Super Stressed
Di ko na alam, feeling ko mababaliw na ako kaiisip kung ano na nagiging epekto ng usok sa baby ko. Umalis ako sa bahay namin at nagstay ako dto ngayun sa pinsan ko kse lagi ako nakakaamoy ng sigarilyo sa bahay namin. Ngayun naman na nandito na ako sa pinsan ko puro naman nagvevape ang kasama ko sa bahay 😪😢 hindi ganun kalaki ang bahay nila kaya mabilis ko maamoy yung vape kahit medyo malayo sila sa akin. Hindi naman ako makapagreklamo kase nakikisama lang ako dito at wla din akong sariling kwarto, nakikishare lang ako ng kwarto sakanila. 18 yrs old palang ako at mga pinsan ko ay nasa edad na 30 na. Meron po ba dito na same case sakin pero naging ok naman ang baby nila pag labas 😢