Wala pa nga yang problema mo e. Nabuntis ako unexpectedly, hindi ko alam gagawin ko kasi hindi tanggap ng father ng baby ko yong baby namin. At first I plan to abort but I'm too scared. Almost 3months na din ng sabihin ko sa parents ko kasi walang wala na ako, wala na akong ibang matakbuhan, nagresign na din ako sa work dahil delikado na pagbubuntis ko. My Dad accept and understand kaso yong mother ko halos patayin at palayasin niya ako sa buong pagdadalang tao ko. Eventually, Natanggap niya din nung nanganak na ako recently lang. Halos maliwanag mukha ng nanay ko pagkakita kay baby, aliw na aliw siya and parang wala na siyang balak ibalik si baby sakin. For you, tiis tiis lang. Mabilis lang naman ang araw, soon matatanggap din nila. Kung hindi edi baby mo na lang isipin mo, nasa right age ka na din naman. Always remember na si baby mo lang kakampi mo sa lahat ng bagay. Ang you have your own family na ngayon.
Dala lang ng damdamin ng Papa mo yung mga nasabi nya. He just want the best for you. Malamang gusto nya, ikasal ka muna at hingin ang kamay mo sa tamang paraan kasi you deserve that. You deserve to be pursued properly. Gets ko na common na sa generation natin itong ganito but maybe, your father is expecting that you guys will do better. Kaya nadisappoint sya. Give him time and ask sorry for disappointing him. For now, focus ka lang sa baby kasi di ka pwede mastress. One day.. Alam ko everything will be better and isa itong challenge na to ang magpapatatag sa relationship nyo. 😊 Pray lang and always ask God for comfort.
Galit po ba siya dahil nabuntis ka bago makasal? Normal po yung galit na ganyan mahal ka niyan kaya ganon reaksyon niya. Nasabi niya kasi na sana nag isip muna kayo bago gumawa ng "kasalanan". Gusto lang po siguro niya na ikasal muna bago nabuntis. Huhupa din po galit niya. Sa ngayon kung kaya iwas ka din muna sa papa mo kasi mas sensitive feelings ng buntis makaka stress sayo yon at baby mo pag nagwawala siya. Nasa tamang edad ka naman na. Patunayan niyo na lang ng partner mo sa kanya na kaya niyo na itaguyod sarili niyo at magiging anak niyo.
Unawain mo lng papa mo momsh syempre nasaktan at nag aalala lng sya sa inyo ni baby kasi dpa kau kasal ni bf mo.,gusto ng mga magulang natin na sana bago tayo magbuntis kasal muna dapat para kasing proteksyon nating mga babae ang kasal.,assurance kung baga.,wag ka nlng sumagot iiyak mo lng yan.,lilipas din ang galit nya at wag kang mag sawang humingi ng tawad ng paulit ulit.,aminin man natin o hindi nagkamali talaga kayo kasi nauna si baby kaysa kasal.,pro nandyan na yan,.lahat ng baby kasal man o hindi ang magulang blessing yan.,😊
Ako 10 weeks ko din bago naconfirm nag pt ako ganyan din ung itsura. Unang 2 lines alam ko na agad na positive. And natagalan din ako sabihin dahil 23 yrs old palang ako at nagcocontinue sa college dahil nagstop para magwork for 3yrs. Expectation ko ganyan pero di yun ang nangyare, dahil before ako umamin sobrang hingi ko ng tulong sa Panginoon an gabayan ako sa pagamin sa knila. At awa ng Diyos ginabayan nga ako at naging mahinahon yung both parents ko. Just Pray if you feel helpless, tutulungan ka Niya . 💕😇😊
Buti nga papanagutan ka eh .. sa totoo lang parehas tayo kinaibahan lang di naimik masyado papa ko sakin .. di naten sila masisisi kasi ang gusto lang nila mapabuti tayong mga anak nila, pero sana maisip ng papa mo na dika naman tatakbuhan ng ama ng anak mo .. ako nga tinakbuhan ng tatay ng anak ko eh .. nalaman lang na buntis ako di na sya nag paramdam sakin mukang blinock pa ako, pray ka lang ate, wala naman tayo magagawa kasi nandyan na yan eh .. mapapasaan pa at magiging ok din lahat, dika rin matitiis nyang papa mo ..
Ako po 22 palang at 11weeks and 2days palang tummy ko nung nalaman kong preggy ako sinabi ko kaagad kay mama ko tapos naghanap ako ng tyempo para masabi ko kaagad sa papa ko .ayoko kse maglihim sa knila .kaya sinabi ko kaagad .aun d nmn nagalit sakin . Pero ngaun parang tinutubuan nko ng Hiya kapag kaharap sila feeling ko dnko allowed sa bahay nmin .
Myghad bat pa po nagagalit father nyo? Eh nasa right age na kayo dapat nga matuwa pa sya eh. I mean di sya nagagalit. Ako nga 22 yo lang ako ngayon 11weeks and 2days palang baby ko sa tummy pero sobrang saya ng parents ko. Both sides both family namen ng bf ko masaya dahil sa binigay nameng apo. Pero ate hayaan mo muna pahupain mo muna galit ng father nyo
Ganyan din po daddy ko noon. Galit na galit yung mama ko okay naman sa kanya. Dumating pa nga sa point na tinakwil ako. But eventually naayos naman. Naging okay naman. Nung lumabas na apo nya napawi naman lahat ng galit nya. Magigung okay din po ang lahat. Ganyan lang po sguro ang tatay sa anak na babae😊
Ganyan talaga sa una mommy. Pero mawawala din yang galit ng father mo paglabas ni baby. Sabi nga nila time heals everything. Ipakita mo nalang sakanya na magiging responsible kayo ng bf mo sa pagpapalaki kay baby.
Anonymous