May asawa yung father ng baby ko
May asawa yung father ng baby ko nalaman ko lang ng nabuntis nako. Ex ko kasi sya 5 years kami hindi nag kita at hindi ko alam my pinakasalan pala sya pero hindi sila nagsasama kasi hindi tanggap ng family nya yung babae. Prang sa papel lang sila kasal. Sa mga status nya single pa din nilalagay nya. Ngayon ng nalaman ko hindi ko na sya nilagay na father sa birt certificate ng baby ko. okay naman sakin maging single mom. Hindi sya kusa nag bibigay ng financial support so nag decide ako block na sya kaso mama ko at mama nya nangingi.alam sabi ng mama ko wag ko daw pagkaitan ng tatay ang baby ko. Sabi ko my asawa naman na sya. Ayaw ko tawagin na kabit. Although hindi naman kami nagsasama. Ngayon naguguluhan ako kasi my times na gusto ko talaga mawala na sya sa buhay namin minsan naman naiiyak ako pag nakita ko baby ko tapos wala sya tatay. Hindi ako nag hingi ng pera pero nag send like ako photos ng baby sa kanya.