???

Di ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko.. Palabas lang ng sama ng loob. Here's our situation : Ung asawa ko nagttrabaho sa fast food so alam nating lahat na nakakapagod at stressful talaga ung trabaho nya. Pag uuwi sya gusto nya magpahinga lang like kakain na lang, magcecellphone pag uwi(including playing online games, youtube and etc.) so ako sinusubukan kong intindihin na un na lang ang libangan nya o pantanggal nya ng pagod at stress. My current situation, since then panay alis ko ng bahay kasi pag maghapon lang akong nasa bahay dami sasabihin ng mother nya kesyo panay higa or upo lang ako so para makaiwas sa stress at gulo umaalis ako at pumupunta sa bahay ng mama ko o sa kaibigan ko halos kalahating kilometro nilalakad ko araw araw papuntang sakayan samin since nasa dulo kami banda ng brgy namin then lakad ulit papunta sa bahay Ng mama ko or sa kaibigan ko. Pag nasa bahay ako tumutulong ako sa pag aasikaso sa bahay like pagluluto ng pagkain and such, madalas akyat baba ako sa lugar nila which is super nakakapagod rin since buntis ako for 36 weeks and as per my friend na assistant ng midwife malaki ang tyan ko sa weeks or height ko ata(150cm). Pag andun ako sa friend ko, tumutulong ako sa pag aalaga sa baby ng kaibigan ko since FTM gusto ko rin matutunan ung tamang pag aalaga sa baby. Pag uuwi na asawa ko, pahinga lang ng konti at kakain maya maya sinasabi nya na ung uniform nya labhan. Nasasaktan ako sa set up naming dalawa, uuwi sya ni nd man lang ako kinamusta madalas ako pa magkwento ng ginawa ko sa araw na to kahit nd ko nakikitang may interest sya sa kwento ko kasi mas titig na titig sya sa cellphone nya, minsan kinukuha ko nlng kamay nya para ihawak sa tyan ko para maramdaman man lang ng baby ko na andyan na daddy nya(nasabi ko na rin sknya to before pero after a week or a month back to reality ulit) Pakiramdam ko mag isa na lang ako at parang namamasukan na lang akong katulong para may maikain ako, may mabili ako kahit paunti unti ng gamit ng baby ko. Nung nakaraan lang din gusto ko bumili online ng mga kailangan namin ng baby ko like toiletries and pang hygienes pero iniisip ko wala akong pera kung bibili ako at magamit ung allowance nyang pamasahe sa trabaho panay reklamo nanaman maririnig ko kesyo kulang tapos nagulat na lang ako na nagorder sya online ng mga bagay na gusto nya without asking me kung magkano pa pera nyang tabi sakin, hinayaan ko kasi naisip ko na wala man lang sy nabibili lately para sa sarili nya kaya kahit magshort sa pera hinayaan ko nlng at gumawa ako ng paraan para sasakto pa rin ung pera nya at pang BPS ultrasound ko, which is sinamahan ko mother ko the whole day sa pag aasikaso ng kung anu ano pati pag grocery para makalibre ng ilang gamit na dadalhin ko sa hospital, tapos pag uwi ko nagalit sya sakin pati mama nya kasi d ako nakauwi ng umaga dahil dumating order nya at nacancel dahil wala ako ??. Napapagod na ako sa set up namin, ung kahit na ang laki laki na ng tyan ko naglalaba ako ng uniform nya daily kahit hinahapo ako GO LANG! Nung inatake ako ng hyperacidity at napilitan syang maglaba nakasimangot sya hanggang sa matulog kami. Di ko na alam hanggang san pa kakayanin ko, unti unti na akong nakakaramdam ng pagod sa gantong ayos namin, nagsasawa na ako pero inaalis ko sa isip ko ung pagsasawa ko para sa anak ko dahil auko maranasan nya ung hirap na lumaking nakikita nyang nagaaway at lumaking walang kasamang ama at ina which is pinagdaanan ko. Kahit gusto ko ng umayaw pinipilit ko kumapit para sa anak kong nasa tyan ko palang, kahit halos gusto ko nlng mamatay o mawala lumalaban ako para saknya lalo na kaninang nalaman kong super active ng baby ko at nakita ko ung mukha nya sa ultrasound. I hope na ung nagbabasa nito okay ka lang at walang pinagdadaanan thank you sa pagbabasa sa post kong mahaba. Itong apps na to nakakapaglabas ako ng sama ng loob without no one knowing it's me kasi i always show to everyone that I'm perfectly fine at wala akong prinoproblema may nagsasabi pang ang swerte ko but they didn't know my story ??.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hirap niyan momsh, pero pray lang, isama mo sa prayers mo c hubby mo. Nawa ay hipuin siya ng Diyos at matauhan. Prayers rn para sa inyo ni baby na mging strong kau at mlalagpasan nio rn ang mga bagay na to. Kausapin mo rn hubby mo, itry mo lng ng itry. Ipaintindi mo yung sitwasyon lalo na malapit kn manganak. Paanu pla kung anjan na si baby. Praying na kung hindi man ngaun baka kpg nakita n nya anak nio eh marealize niya. Kaya kapit lng po and always pray mommy.

Magbasa pa

nkkstress nmn tlga momsh situation mo npk-inconsiderate ng husband mo.hayaan mo lng momsh bsta pray k lng lgi n mlampasan mo yan at sna mgbgo yang hsband mo kpg nkaanak k na, mas mggng mhirap kc kpg nkaank k na.or better uwe k nlng mna sa inyo.