May mga pagkakataon ba na naaawa ka sa sarili mo?

yes. lalo pag nakikita ko sarili ko sa salimin. pagod, walang tulog, haggard. in short losyang. i'm a full time breastfeeding mom of 1 makulit na toddler. lingguhan ang trabaho ni hubby so every other week kami lang ni baby sa house. walang katulong. walang yaya. ako lang lahat. wala ding trabaho kaya ito lang ambag ko sa bahay. minsan pakiramdam ko waley ako kwenta. kasi wala naman ako maambag sa finances namin. pag may gusto ako bilhin ilang beses ko pa pinagiisipan kung bibilhin ko ba o hindi. pero madalas hanggang add to cart lang. walang pangcheckout. kaya linis, luto, laba, alaga sa bata, padede pa.. yan ang routine ko lagi sa bahay. minsan pag sobrang pagod ko na umiiyak nalang ako. yung kahit magkasakit ako i need to take care of my child first bgo sarili ko. madalas naaawa ako sa sarili ko. pero ganun talaga ang buhay. pinili ko to. nanay na ko kaya i have to be selfless.. atleast nakikita at nakakasama ko ang anak ko habang lumalaki sya. lahat ng mga magiging milestone at achievement nya pa sa buhay, nasa tabi nya ko. kasama nya ko. and for that i can say na, laban lang. at ang mga nanay pag para sa anak at pamilya kakayanin lahat.
Magbasa paopo. akala ko di ko to mararamdaman kasi very supportive ang asawa ko sa akin. sya halos sa gawaing bahay maliban pa sa nagttrabaho sya. ayaw nya ako magkikilos masyado. pero lately nasisigawan na nya ako. gawa na din siguro na pagod sya. pero syempre bilang asawa nya, nasasaktan ako. papasok na lang sa kabilang tenga tapos labas sa kabila. pag aalis na sya papuntang trabaho saka ko na lang iiiyak. 34 weeks pa lang ako ngayon wala pang post partum pero ramdam ko na. feeling ko wala akong kwenta kahit na nagttrabaho din ako pero wfh. torn ako sa magttrabaho din ba ako sa gawaibg bahay at iririsk ung anak ko o mas pipiliin kong sigaw sigawan ako ng asawa ko. high risk po ang pagbubuntis ko. nakuna na din ako bago to. ayaw ko lumungkot lalo na malapit na lumabas si baby. nadidinig na nya papa nya pag sinisigawan ako. eexplain ko na lang sa kanya na pagod lang papa nya kaya ganun. mahirap pero kakayanin ko para kay baby.
Magbasa pasimula nung buntis ako hanggang ngayon makapanganak. awang awa nako sa sarili ko. kahit panay naman ang support ng partner pero grabe nd ko naimagine na magiging ganto experience ko mentally. wala akong magawa kundi tanggapin lahat ng changes at iniisip ko nalang na hindi naman forever ganto.. iniisip ko napang ang anak ko na minsan lang magiging baby. haaays! laban lang tayo mga momsh! kung kaya at may time kahit kalahating oras sa labas kumain, mag kape. magmake up kahit walang pupuntahan. mag paka abala. kase kung nd natin ididistract sarili natin baka lamunin tayo ng kalungkutan madadamay nasa paligid natin.
Magbasa paOo, lalo na ngayon, pakiramdam ko napapagiwanan ako. 28 na ko pero pakiramdam ko I am left out. lalo na nung nag kababy, pero tuwing nakikita ko anak ko narerealize ko din na, ay tagal ko nga pala siyang hinintay ngayon pa ba ko mawawalan ng gana? tapos eventually maiisip ko dami ko na rin palang accomplishments sa buhay bago pa siya dumating so nonetheless wala din pala akong nakaligtaan sa buhay ko.
Magbasa paYes po. Sinisisi ko dn sarili ko sa pag ka wala ng baby ko💔 iniisip ko baka galit si hubby sakin🥺pero sabi nya di naman sya galit saakin🥺 gusto ko dn mag trabaho para mawala sa isip ko yung pangungulila kay baby at para dn makatulong ka hubby kaso ayaw nya. Yung mga gawaing bahay na dapat ako gumagawa sya na gumagawa nahihiya na ako parang ang useless ko💔
Magbasa paMahigpit na yakap sa mga mommies na nakakaramdam nito. Sabi nga nila.. It's ok not to be ok right?? Pagdaanan lang natin to.. Pero wag masyado tambayan.. hahaha medyo matagal na ko Naka tambay sa depression pero alam ko makakawala din ako.. sobrang hirap hindi mo alam kung saan ka mag sisimula.. pero laban lang ng laban fighting!!!
Magbasa panaawa ako sa sarili ko kapag di ako nakakapag bigay ng ambag sa asawa ko sa gastusin sa bahay although kayang kaya naman ng sahod nya na isupport ako at pregnancy ko. Naaawa pa din ako kase ultimo biscuit di ako makabili kse that time naka bed rest ako walang sweldo.
yes. katulad kanina. feeling ko, wala na akong ginawa kundi maghanap buhay (dati para sa family ko, breadwinner ako) now, sa sariling family ko. plus, asikaso pa sa anak. (wala kaming yaya or katulong. may 1 year and 8months baby ako). nakakapagod din.
yes po. and minsan naiisip ko ang selfish ko din, yung tipong minsan naniniwala ka sa sinasabi nila na treat yourself sometimes, yun naiisip ko ang selfish ko bat nagawa ko yun bat nauna ko pa bilhin to. hahaha
naawa, kasi single mother ako tas first time nanay pa hehe, hindi ko alam san ako mag sisimula tyaka pano ko palalakihin yung anak ko ng mag isa pero okay lang, I trust god's process and plans🙂
hirap pag di pinanindigan hehehe nakaka down