May mga pagkakataon ba na naaawa ka sa sarili mo?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naawa ako sa sarili ko kapag di ako nakakapag bigay ng ambag sa asawa ko sa gastusin sa bahay although kayang kaya naman ng sahod nya na isupport ako at pregnancy ko. Naaawa pa din ako kase ultimo biscuit di ako makabili kse that time naka bed rest ako walang sweldo.

3y ago

gantong ganto din po ako ngayon. maya bumabawi ako kahit magsaing, magtupi, maglinis ng bahay. basta ok ung katawan ko sa araw na yun babawi talaga ako. kase maselan din po ako. si hubby na gumagawa lahat. pati pagkain namin, at gawaing bahay. nalaglagan din ako nung first baby. kaya grabeng pagiingat namin ngayon. nagtry ako maglaba 3 beses pero 3 beses din ako nagspotting nung first tri kaya ngayon hanggang sampay nalang ako. sabi ko nga kamo babawi ako pagnakarecover nako.