May mga pagkakataon ba na naaawa ka sa sarili mo?

opo. akala ko di ko to mararamdaman kasi very supportive ang asawa ko sa akin. sya halos sa gawaing bahay maliban pa sa nagttrabaho sya. ayaw nya ako magkikilos masyado. pero lately nasisigawan na nya ako. gawa na din siguro na pagod sya. pero syempre bilang asawa nya, nasasaktan ako. papasok na lang sa kabilang tenga tapos labas sa kabila. pag aalis na sya papuntang trabaho saka ko na lang iiiyak. 34 weeks pa lang ako ngayon wala pang post partum pero ramdam ko na. feeling ko wala akong kwenta kahit na nagttrabaho din ako pero wfh. torn ako sa magttrabaho din ba ako sa gawaibg bahay at iririsk ung anak ko o mas pipiliin kong sigaw sigawan ako ng asawa ko. high risk po ang pagbubuntis ko. nakuna na din ako bago to. ayaw ko lumungkot lalo na malapit na lumabas si baby. nadidinig na nya papa nya pag sinisigawan ako. eexplain ko na lang sa kanya na pagod lang papa nya kaya ganun. mahirap pero kakayanin ko para kay baby.
Magbasa pa