May mga pagkakataon ba na naaawa ka sa sarili mo?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes. lalo pag nakikita ko sarili ko sa salimin. pagod, walang tulog, haggard. in short losyang. i'm a full time breastfeeding mom of 1 makulit na toddler. lingguhan ang trabaho ni hubby so every other week kami lang ni baby sa house. walang katulong. walang yaya. ako lang lahat. wala ding trabaho kaya ito lang ambag ko sa bahay. minsan pakiramdam ko waley ako kwenta. kasi wala naman ako maambag sa finances namin. pag may gusto ako bilhin ilang beses ko pa pinagiisipan kung bibilhin ko ba o hindi. pero madalas hanggang add to cart lang. walang pangcheckout. kaya linis, luto, laba, alaga sa bata, padede pa.. yan ang routine ko lagi sa bahay. minsan pag sobrang pagod ko na umiiyak nalang ako. yung kahit magkasakit ako i need to take care of my child first bgo sarili ko. madalas naaawa ako sa sarili ko. pero ganun talaga ang buhay. pinili ko to. nanay na ko kaya i have to be selfless.. atleast nakikita at nakakasama ko ang anak ko habang lumalaki sya. lahat ng mga magiging milestone at achievement nya pa sa buhay, nasa tabi nya ko. kasama nya ko. and for that i can say na, laban lang. at ang mga nanay pag para sa anak at pamilya kakayanin lahat.

Magbasa pa