Be Responsible Parents

Dear everyone, Nakaka-alarm yung dami ng nanghihingi ng tulong sa app na to. I don't want to judge, pero ang pregnancy, dapat ay pinaplano. Wag iputok sa loob kung di naman kayang bigyan ng maayos na buhay ang bata kapag nabuo. Sa panganganak, sana masanay tayo na magready ng budget sa panganganak na kasama ang unforeseen expenses gaya ng emergency cs, neonatal care, at after care ni baby. I always help kapag may nakikitang post, pero I stopped na dahil ung receiver, minsan sinisave ang number ko from gcash tapos nagri reach out ulit kapag nagipit. As a person na hindi basta basta ibinibigay ang contact number, I find it offensive na may nagttxt sakin na di ko kakilala. I'm posting this anonymously dahil alam kong maraming maga butthurt sa post na to. Hindi ko nilalahat lahat ng humihingi ng tulong pero mostly sa inyo irresponsable at alam niyo un sa sarili ninyo. Let's all be responsible parents. Laki sa hirap din ako kaya di nio pwedeng isumbat na "mayaman ka kasi" or what dahil if pinanganak kang mahirap, di mo yun kasalanan. Pero yung magpapamilya ka and you'll drag them sa hirap, that's a sin.

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I agree with you mommy! Binigyan mo na ng kanin, gusto pa nila ipag ngunguya mo sila 😅 lahat nman tayo affected ng pandemic nato at madami din satin ang manganganak na. Lahat tayo nahihirapan sa sitwasyon. Walang mayaman at mahirap ang hindi naapektohan ng pandemic. Yung iba kaya may nahuhugot, kasi naging masinop sa pera. Sana matuto tayong lahat sa buhay. Wag iasa sa ibang tao ang mga bagay bagay. Maging masinop at maging responsible po sana tayo para sa mga anak natin 🤗😊

Magbasa pa