Be Responsible Parents

Dear everyone, Nakaka-alarm yung dami ng nanghihingi ng tulong sa app na to. I don't want to judge, pero ang pregnancy, dapat ay pinaplano. Wag iputok sa loob kung di naman kayang bigyan ng maayos na buhay ang bata kapag nabuo. Sa panganganak, sana masanay tayo na magready ng budget sa panganganak na kasama ang unforeseen expenses gaya ng emergency cs, neonatal care, at after care ni baby. I always help kapag may nakikitang post, pero I stopped na dahil ung receiver, minsan sinisave ang number ko from gcash tapos nagri reach out ulit kapag nagipit. As a person na hindi basta basta ibinibigay ang contact number, I find it offensive na may nagttxt sakin na di ko kakilala. I'm posting this anonymously dahil alam kong maraming maga butthurt sa post na to. Hindi ko nilalahat lahat ng humihingi ng tulong pero mostly sa inyo irresponsable at alam niyo un sa sarili ninyo. Let's all be responsible parents. Laki sa hirap din ako kaya di nio pwedeng isumbat na "mayaman ka kasi" or what dahil if pinanganak kang mahirap, di mo yun kasalanan. Pero yung magpapamilya ka and you'll drag them sa hirap, that's a sin.

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Couldn't agree more. I tried helping someone na from this app (legit naman siya based sa nakita kong proof like Facebook account and all). So I sent them money, but they reached out again for the second time. Medyo naintindihan ko pa kasi medyo magastos talaga needs ni baby so naubos agad ang financial help na naibigay sa kanya. So I sent them again and I told them na it will be the last kasi may other mothers out there pa na need ng help. But after a week, they tried to reach out again. Hindi na ako nagreply kasi nagsabi na ako sa last usap namin na I cannot give anymore. They won't stop texting me. Dumating din sa point na they're calling me sa personal number ko and even sa Messenger/Viber. 😓😓😓 From then, nadala na ako sa donations.

Magbasa pa
4y ago

Kung tutuusin once is enough. Masyado namang umaabuso, kame nangangailangan din, pero thankful ako at may madiskarte akong partner. Nakakaubos din kasi ng ipon itong pandemic. Haysss

Tama...kami nga ng partner ko hindi na kaplano ang pagbubuntis ko..unexpected lang na blessing parehas pa kmi nsa work kahit pandemic late ko n malamn nabuntis ko kung kailn naka 3months na ang tyan ko mabibigat pa.work ko kasi im a housekeeping oras ng pandemic kami busy sa pagdidisenfect....and now sa awa ng diyos kahit papaano nakakapag ipon ako at ang partner ko para sa panganganak ko dis nov. Partner ko nalang ang nagwowork kasi pinag pahinga muna ako.dhil.maselan ang pagbubuntis ko..tnx god kasi nakaka provide pa kami sa check up,vitamins nakakapag saving pa kami both nakakapag bigay pa sa pamilya namin at ako tumutulong.ako pasecreto sa iba..

Magbasa pa
VIP Member

I agree. Minsan kasi yung iba hindi rin halos gumagawa ng way para mairaos yung needs. I still work kahit pa 37 weeks preggy na ko and I also sell food online tapos dinedeliver ko pa para makapag save lalo ngayon na nadagdagan ang magiging bill sa hospital dahil sa pandemic. Parehas kami ni hubby nagwowork parin at sumasideline kasi ayaw namin maging burden sa parents or sa iba plus kawawa ang bata kung wala kang savings. I understand din naman yung ibang parents talaga na nanghihingi ng tulong and I do help din naman kung anong kaya ko pero minsan kasi yung iba sobra na. 😔

Magbasa pa
VIP Member

Truth ang dami ko nga nababasang posr dito na mga scammer nmn pla..Kami nga ng bf ko di nag'expect na magkakababy pla kmi ngayon pandemic pa..Sa awa nmn ng diyos nkakaraos nmn ako kahit solo ko pa ang gastos kasi natigil din sa work bf ko and hnd ko nmn sya inoobliga magsupport sa'kin kasi may work din nmn ako at nakakaya ko naman,wala na nga ako problema sa gamit ng baby ko kasi nkabili na rin ako sa panganganak nmn may philhealth na rin ako july ko lng inasikaso.Lahat ng pwedeng asikasuhin sigasig tlga ako .. Just sharing lng.

Magbasa pa

I agree with you mommy! Binigyan mo na ng kanin, gusto pa nila ipag ngunguya mo sila 😅 lahat nman tayo affected ng pandemic nato at madami din satin ang manganganak na. Lahat tayo nahihirapan sa sitwasyon. Walang mayaman at mahirap ang hindi naapektohan ng pandemic. Yung iba kaya may nahuhugot, kasi naging masinop sa pera. Sana matuto tayong lahat sa buhay. Wag iasa sa ibang tao ang mga bagay bagay. Maging masinop at maging responsible po sana tayo para sa mga anak natin 🤗😊

Magbasa pa

True ako nga unexpected pregnancy this year, never ako tinulungan ng parents ko finacially emotionally ginagabayan namn ako ng nanay ko pero pag dating sa pera wala din, kaya dapat handa kadin. Lahat ng gamit ng baby ko pati check up ako saka partner ko kasi wala namn ibang tutulong samen kahit nga pamilya mo kasi kumbaga sabi nga nila bakit nag pabuntis ka kung di mo kayang buhayin? Kaya mas mabuti sariling sikap mo nalang para walang masabi sayo

Magbasa pa
4y ago

totoo. kahit sa kamag anak, tumulong sila o hindi, wala silang obligasyon satin kasi tayo naman nagbuntis. mayron lang siguro ung mga rape victims na nabuntis, di nila choice yun.

I totally agree with you. .Kasi minsan nacocomfort na sila knowing na anytime May tutulong sa kanila. .dapat maging responsable tayo in any aspect of life mas masarap po sa pakiramdam yung kaya mong itaguyod yung mga choices mo in life ng walang naaabalang tao kasi lahat naman po tayo May mga pinagdadaanan din it's a matter of how you handle every situation. .wag po masanay na laging nakadepende sa ibang tao. .

Magbasa pa

True , I've helped din pag nkikita kong deserve tulungan ,pero sana tulungan nyo rin po sarili niyo,ako full-time mom,asawa ko stop dn work for 3months so nag online selling ako. Asawa ko tagadeliver,sana ung mga cash donations gwin niong small business , kse kung all aasa ninyo bka wala ng tumulong kc abusado na.. sorry ,no hurt feelings. Ako nga po gipit din pero i think different ways pano makasurvive,

Magbasa pa

True. Yung isa nga lang anak di pa mapagatas tas susundan pa ng pangalawa, pangatlo, pang-apat etc. Hindi need ng edukasyon o makagaraduate ka, common sense na pag makita mo anak mong nagugutom bakit susundan mo pa?? Lolo at lola ko grade 6 at 1st yr highschool lang inabot pero may isip na magpamilya sa tamang edad at di mag anak ng madami dahil nga daw HINDI NILA KAYA BUHAYIN.

Magbasa pa

yeah i don't think it's good too. kami nga hirap din dahil sa pandemic nato manganganak ako sa oc.at wala pa kaming gamit ni bebe peru never kami nagmakaawa, at humingi sa ibang tao though di naman natin majudge yung mga nanghihingi peru may family both side naman sila na baka pwedi nilang malapitan, at isa pa pwedi rin sila maka avail na emergency philhealth sa hospital.

Magbasa pa