Be Responsible Parents

Dear everyone, Nakaka-alarm yung dami ng nanghihingi ng tulong sa app na to. I don't want to judge, pero ang pregnancy, dapat ay pinaplano. Wag iputok sa loob kung di naman kayang bigyan ng maayos na buhay ang bata kapag nabuo. Sa panganganak, sana masanay tayo na magready ng budget sa panganganak na kasama ang unforeseen expenses gaya ng emergency cs, neonatal care, at after care ni baby. I always help kapag may nakikitang post, pero I stopped na dahil ung receiver, minsan sinisave ang number ko from gcash tapos nagri reach out ulit kapag nagipit. As a person na hindi basta basta ibinibigay ang contact number, I find it offensive na may nagttxt sakin na di ko kakilala. I'm posting this anonymously dahil alam kong maraming maga butthurt sa post na to. Hindi ko nilalahat lahat ng humihingi ng tulong pero mostly sa inyo irresponsable at alam niyo un sa sarili ninyo. Let's all be responsible parents. Laki sa hirap din ako kaya di nio pwedeng isumbat na "mayaman ka kasi" or what dahil if pinanganak kang mahirap, di mo yun kasalanan. Pero yung magpapamilya ka and you'll drag them sa hirap, that's a sin.

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo yan Ma. If you know na wala kayong contraceptives na gamit aba malaki ang posibilidad na mabuntis ka. At kung di nyo kayang suportahan pagbubuntis mo, sana hinugot nyo diba? Dont make that pregnancy of yours a burden for others. Lahat tayo may pinagdadaanan. Nasa paghahandle lang yan. Wag puro asa sa iba. Desisyon nyo yan e. Ginusto nyo yan. 👍

Magbasa pa

Mayroon naman ung mga super emergency talaga like umabot na ng half M ung expenses dahil sa condition ng baby, pero mostly nga kasi nanghihingi ng help na super basic like pang nsd nila or pang newborn screening ng baby na dapat talaga napaghandaan nila eh. Given na may pandemic, all the more na mas prepared tayo.

Magbasa pa
Super Mum

Hi mommy. Madami na dn po ngayon nagkalat na nagsca-scam, kunwari hihingi ng tulong para kay baby pero nanloloko lng talaga. Bawal na rin po magpost dito sa app yung humihingi ng tulong then send via gcash kasi madami na tlaga namamantala. Thank you sa help mo sa mga ibang mommies, you have a good heart.

Magbasa pa
5y ago

Grabe naman yun. Hndi mkatarungan, nkakalungkot lng kasi pati etong app gnagamit nila sa pagscam.

Samin ni mister kahit di namin expected na bibigyan kami agad ng baby kahit walang ipon never kamo umasa sa ibang tao. Pag nanay ka or magiging palang handa mo gawin lahat para sa anak mo. Never ka manloloko ng tao tapos gagamitin mo anak mo para lang makahuthut sa ibang tao. People nowadays. Hays

Yes tama kami nagplano kami ngayon taon na magkababy at hindi nmin inaasahan na bibigay kaagad siya smin thankful kaso unexpected kase nagkaroon ng pandemic andyan yung mga bayaran nagtambakan tas isa lang nagtatrabaho pero kakayanin para kay baby kakayanin ibigay lahat ng kailangan ni baby ...

Tbh hindi lang sa app na to pati facebook punung puno na ng mga nanghihingi ng kung anu ano, pera, gatas, damit, pangpaanak etc. gamit mga babies or pregnancy nila. Di ko na alam kung lahat ba un totoo so I also stopped helping. Digital na mga namamalimos ngayon. GCASH GCASH nalang din eh.

Napapataas din ang kilay ko sa iba minsan. There are hundred ways para hindi mabuntis pero pinili un nagiisang way para mabuntis. 9 months sa tummy ang mga baby, sapat na panahon para kahit papano maghanda. Siguro un iba nga gipit lang talaga. Pero un uulit ka pa. Wow iba din

Hirap nga rin kami pero di namin naisip manghingi kasi kahit mag-isa ka pa, hanggang may kaya kang gawin, may magagawa ka para itaguyod ang anak. Hindi naman kasi pwede na nanghihingi sa ibang tao, nakkaawala ng dignidad.

I share the same sentiments. Yung first unplanned pregnancy maiintindihan ko. Pero yung dumalawa, tumatlo pa, kahit hindi na nabibigay basic needs, nakakainis na. Wag niyo na idamay babies sa hirap na pinagdadaanan niyo.

Ako di ko alam mararamdaman sa mga yan kung maaawa ba ako o maiinis, karamihan sa kanila ang dahilan ay lockdown. Meron nga ako kakilala na OB may nagchat sa kanya gusto ipaghanap ng magaampon sa anak nya.