Be Responsible Parents

Dear everyone, Nakaka-alarm yung dami ng nanghihingi ng tulong sa app na to. I don't want to judge, pero ang pregnancy, dapat ay pinaplano. Wag iputok sa loob kung di naman kayang bigyan ng maayos na buhay ang bata kapag nabuo. Sa panganganak, sana masanay tayo na magready ng budget sa panganganak na kasama ang unforeseen expenses gaya ng emergency cs, neonatal care, at after care ni baby. I always help kapag may nakikitang post, pero I stopped na dahil ung receiver, minsan sinisave ang number ko from gcash tapos nagri reach out ulit kapag nagipit. As a person na hindi basta basta ibinibigay ang contact number, I find it offensive na may nagttxt sakin na di ko kakilala. I'm posting this anonymously dahil alam kong maraming maga butthurt sa post na to. Hindi ko nilalahat lahat ng humihingi ng tulong pero mostly sa inyo irresponsable at alam niyo un sa sarili ninyo. Let's all be responsible parents. Laki sa hirap din ako kaya di nio pwedeng isumbat na "mayaman ka kasi" or what dahil if pinanganak kang mahirap, di mo yun kasalanan. Pero yung magpapamilya ka and you'll drag them sa hirap, that's a sin.

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pansin niyo din? During pandemic lahat naman tayo affected ng lockdown and walang work mga asawa/lip natin pero meron pa rin dito na nanghihingi ng tulong para sa baby nila?

Or kahit ung mga hindi nanghihingi ng tulong pero anak ng anak tapos wala naman maipagatas. Wag po mag anak kung di naman mabibigay basic na pangangailangan, lalo na education.

VIP Member

Well said.. 👍🏻 Yung iba hihingi ng tulong. Makasalaysay ng life story pwedeng pang-MMK. Pero pag chineck mo naman ang FB nila. Parang di naman salat sa pera. LoL. 🤪

Hay daming ganyan sa app, meron pa ung disgrasyada daw. Tapos nung kwinestyon kung legit, nagpalit ng pangalan tapos pa victim effect na. 🤦🏻‍♀️

I feel sorry for those people. And i do agree with you. Yan ang mahirap pag tinutulungan mo yung iba. Namimihasa. Pinagmalasakitan mo na,aabusuhin pa.

Maawa naman sila sa anak nila o magiging anak nila. Wag puro tawag ng laman, mag isip din. Di puro sex ng sex wala naman pangbuhay pag may nabuo

Hindi naman emergency ang panganganak..pine prepare yan...as a parent, dapat talaga maging responsable at wag umasa kahit sa pamilya mo pa..

5y ago

True. May whole 9 months ka to prepare. Impossible naman na wala kang gagawin sa timeline na yun. :(

I totally agree with you. Yung budget namin ni hubby bago ako manganak, sinobrahan pa namin dahil ayaw naming umasa sa iba.

May gumagamit pa nga ng maysakit daw ang anak. Hindi na natakot, mamaya magkatotoong my magkasakit sa pamilya nya

Sana ibawal nalang yan ng TAP, hirap pa naman mag verify ng legit dito kasi limited ang features