Hindi na ako natatawa
Dati bago kami naging mag asawa tawang tawa ako sa mga banat nyang mga jokes. Yong mga jokes n mababaw pero napapatawa nya ako ng subra. Pero ngayon pagnagjojoke sya imbes matawa ako, naaasar ako at nasasagot ko sya nang pabalang o pilosopo. Pano namam kasi siguro naubusan na sya ng mga sasabihing jokes. Minsan inuulit nya alam nya narinig ko na, tinitingnan ko nalang sya blanko o sinasagot ko na wala ka nabang ibang masabi? Pero sa totoo lang dahil palagi syang wala at kahit umuwi na wala syang ibang nakukwento o gusto ikwento sa trabaho. 4-5days n wala walang masabi? Magjoke pa, walang saysay. Pakiramdam ko andaming lihim na ayaw masyado magsalita baka magkamali at mahuli sya sa sarili nyang bibig. Masyado ba ako harsh sakanya? O baka nawawala talaga love ko sakanya dahil sa pambababae nya.