My little man Khalil❤

Dapat due date ko is January 29. Pero january 10 ng morning on and off na sakit ng chan ko pero hindi ko pinansin. January 11 4pm dinala na ako ng hubby ko hospital para mag pa check up lang sana pero pina admit na ako ng OB ko dahil 2cm na daw enduce ako agad kaya tuloy tuloy ang hilab nya. Sobrang sakit dahil active labor na ako pero wala parin sign na manganganak na ako. IE ako ng ilang beses stack ako sa 3cm hanggang 6am ng umaga tuloy tuloy parin ang sakit. Last IE ko 7:30 ng gabi 6cm parin kaya nag decide na ang OB ko na kurutin ang panubigan ko. Kasi ganun din ang dalawang baby ko kinurot panubigan ko para lumabas sila. Nag antay pa kami kahit sobrang hirap na hirap na ako 28 hours of labor is not easy dahil nong IE ako uli bumalik asa 3cm kaya nag taka na ang OB ko. Dinala agad ako for ultrasound don nakita na kaya pala kahit anong ganda ng ire ko at active na contruction bumabalik si baby sa loob uli naka pulupot na pala ang cord nya sa kanyang leeg at bumababa narin ang kanyang heartbeat kaya emergency for CS ako. 28 hours na labor tapus napunta sa CS hirap but worth it kasi safe ang baby ko. Hindi pumasuk sa isip ko na dapat before due date ko mag pa ultrasound ako para alam ko kung may mabago ba kay baby sa loob ng chan ko. Lesson din yon para sa ibang pregnant mom natin para hindi na maranasan ang nangyari sakin. Baby Khalil 2.9kls January 13,2021

My little man Khalil❤
32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo ng naranasan sa bunso kom umabot ako ng 7cm induce labor kasi pumutok na panubigan kahit wala pang labor. 7cm pero ni hindi makapa ng nurses ang ulo ni baby kahit laliman niya pagkaIE niya. Sabi ko sa nurse ramdam ko na sumisiksik siya pataas, tinawanan lang ako. Alam ko naman ang pakiramdam ng humihilab pababa at sumisiksik pataas kaya sumama loob ko sa pagtawa nila. After magCS ng doktora ng sunod sunod chineck niya ako and decided na eCS nalang. Yon cord loop pala kaya hindi bumababa. Hindi man lang nakita sa ultrasound 6days bago ako manganak. Congratulations sayo. ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Congratulations po! Grabe din nu.. Panu if budget lang is pang lying in then di mo aasahan na maCS.. Hirap pa naman maghanap ng pera o mangutang .. Pray lang talaga dapat.. Anyway enjoy po, nakaraos kana.. Hehe

4y ago

Awww lucky for you.. Anyway, enjoy your bundle of joy!

soon to be mommy here! 10 weeks preggy. I hope all is well. Medyo kinakabahan kasi first time ko, and I am now 30 y/o kaya medyo may pangamba na. Always pa ako nakakaramdam nang hirap sa paghinga.

VIP Member

I feel you mommy 13 hours akong nag labor but na normal ko si baby Naka pulubot din Yung pusot sa leeg nya then hindi agad umiyak si baby pag labas.. Pero, in 3 minutes umiyak din sya..

Momsh loose single chord coil ba ung ke baby? Naka chord coil din kasi si baby ko pero single and loose siya 38 weeks and 1 day no sign of labor sumasakit lang puson and balakang everyday

4y ago

opo 38 weeks no sign of labor din po ako. on and off lang ang sakit ng puson at balakang ko. kaya nag decide na ako mag pa check up good decision na ginawa ko. kasi kung hindi baka napano na ang baby ko.

Congrats mommy! Ako due date ng baby ko is January 31, exited nako manganak. 🤗

congrats mommy☺ako one week before ako nanganak nag ultrasound ulit ako at nst

VIP Member

Ang cute! Congrats mamsh! Ang mahalaga okay kayo both ni baby 💙💙💙

Congrats po ❤️😍 Ang galing lang dahil ka Birthday ko sya 😁😁

Congrats mamsh, same tau ng edd jan 29.. sna mkraos ndn ako...

4y ago

Konti nlng mamsh mkkraos din tau😊🙏🏻