dapat bako magalit?

dapat bako magalit? nanuod kasi ng trend na scandal asawa ko okay lang naman hinayaan ko di katulad dati nagagalit tlga ko kaso nung nabasa ko to nasaktan ako nagalit ako sakanya pero nagalit din sya biruan lang daw nila yan tas may nasabe syang masakit na salita para sakin hindi nalang ako kumibo hanggang ngayon iyak ako ng iyak kase diko maintindihan bakit ganon iniisip ko na parang ang dami tuloy kulang sakin aminado naman ako di ako maputi di ako makinis di rin maganda ang sakit lang sobra diko kinakaya ???

dapat bako magalit?
71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

grabe naman yun Asawa mo momshie. sinabihan kapa ng Kung Anu ano? parang di ka nman nyan nirespeto bilang asawa nya eh .. hays asawa ko din nanonood ng scandal at madalas , DATI nag aaway talaga kame pero may nagpaintindi sakin na lalaki cla at nature na nila Yan.. pero di dumating sa point na ganyan siya tulad ng asawa mo, gusto pa nya Makita fb? for what? tapos parang hayuk na hayuk maka Isa. na pwede naman nyang gawin sayo Yun SEX na gusto nya.. Sana naisip man lang nya na masasaktan ka if mabasa mo yan. di pa totally matured mag isip yan kung ganyan .haysss Sana pinaintindi mo sa kanya in a good way momshie.. o baka nahihiya sayo kaya inunahan kana nya ng galit agad. tsskk napaka immature nya momshie..

Magbasa pa

Sorry ha pero hindi kagwapuhan yung boyfriend mo para umarte nang ganyan. Anyway, as someone who has been there and done that, let me tell you na THERE IS NOTHING WRONG ABOUT YOU. WALANG KULANG SAYO, lalo na kung physical appearance ang basis mo. More often than not, these type of guys are just projecting their weaknesses and insecurities towards you. May mga problema at kakulangan sila sa sarili nila that they are trying to fill through cheating or flirting. Magpaganda ka pa, go out with your friends, talk less, have fun, work hard, and earn your own money. Make him feel na you're happy and ok ka kahit mawala sya. Then see how the tables turn 😉

Magbasa pa

SOS!! Kung ako pa ang NASA sitwasyon mo bubugbugin ko talaga asawa ko...kasi sobrang selosa talaga ako Alam na ng hubby ko na selosa ako niamin ko talaga sa kanya wag nyang gawin ang mga ganyang Bagay... Pag makita ko sya lagot talaga sakin...at isa pa kahit hindi ka maganda sis wag kang mag pa under sa hubby mo..takotin mo sya...kahit ako nga amin ko maganda ako tas matangkad at maputi bakit yung hubby ko eh kaya paring tumingin sa iba. Pero hanggang sa tingin lng sya. Ganyan na daw ang mga lalaki hindi daw maiiwasan na tumingin sa iba sabi ng hubby ko.

Magbasa pa

nakaka takot yung asawa mo... parang wala syang asawa, nananabik sa ibang babae... Kht biro yan hnd magandang biro yan sign or form of cheating yan... nakakabastos din ung kaybigan nya walang respeto sayo,.. Di malayong mambabae yang asawa mo soon.. Scandal pa lang alive na alive na sya at hyper na mag react what more pag nag eexist na ung girl sa harap nya... pabasa mo sa asawa mo tong mga comment namin... Suntukan pa kmi kinginang libog ng asawa mo walang respeto sayo... Sorry galit ako sa ganyan kasi

Magbasa pa

Sis the fact na ineenjoy niya ay isang scandal, disrespect na iyon una sa may scandal (hindi natin alam, baka private video iyon na kumalat na lang without the knowledge lalo ng babae) at sa kababaihan. Bilang lalaki, pinanood (pwede pa out of curiosity, hindi maiiwasan iyan) pero iyong pag-uusapan at gugustuhin niya pa, anong klaseng lalaki naman iyon. Sorry to say this. Pangalawa yung way ng pagsasabi niya about nga sa maputi, etc. Hindi maganda iyon a lalo kung may asawa siya na hindi maputi.

Magbasa pa

i feel you momshie ganyan din sakin ang asawa ko lalo na pag may tinitignang ibang babae, ang excuse pa titingin lang pero di titikim. The heck? syempre di ka matutuwa sa sasabihin nila kasi imbis na magsorry sila dahil nagiging insecure tayo sa ginagawa nila eh pinaglalaban pa nila na kesyo kasi di naman daw sila nambabae. Tsaka dapat nga pinapakita nilang tayo lang ang maganda sakanila ganun. Hindi ehh sila pa galit kaya minsan maiisip mo na may kulang sayo. Nakakainis talaga mga ganyang lalaki di makuntento

Magbasa pa

Ako pagganyan, o kaya kahit may i-like lang asawa ko na babaeng sexy or ifollow. Naiinis din ako at sinasabi ko sakanyang di tama lalot may asawa na siya. Para bang kulang paba ako, di paba sapat at parang nakakabastos naman sa part ko. Para lang aware siya sa feelings ko. At maging sensitive siya next time. Alam kong natural na sa lalaki yun, pero dapat may limitasyon at unahin yung magiging feelings ng mga asawa nila. Dinediretso ko talaga siyang di na yun gawain ng may asawa.

Magbasa pa

Sis wag ka pakastress dedmahin mo nlng.. kung preggy ka ngayon saka kna magpaganda pagkapanganak mo, saka imbes na sana magsorry sya e sya pa nagalit.. wag mo masyado isipin yan away nyo unahin mo sarili mo at c baby. Palagi ka magpray.. di rin ako maganda,d makinis at d rin maputi pero ayoko idown sarili ko at mas iniisip ko baby ko kesa mastress sa ibang bagay.. pray lang dn sandigan ko, d naman pasaway partner ko at mapagkumbaba dn sya. hayaan mo lang sis

Magbasa pa

Hayaan mo na, kahit asawa mo sya wag mo na icenter yung life and atensyon mo sa kanya. Kasi never mo syang madidiktahan o macocontrol sa mga gusto nyang gawin kaya pakatatag ka lang mamsh! Focus kna lang kay baby mas sasaya kpa kesa problemahin yang asawa mo diba? Dagdag stress pa yan ikaw na mag adjust kasi mas alam mo yung worth mo 😊 wag mo hayaang saktan ka nya ng saktan sa words man o actions nya. Strong tayo mga babae❤️

Magbasa pa
VIP Member

the fact na nanuod sya nung video, may chance na ma curious sya kung sino yung babae and istalk nga or hanapin sa social media. ganyan po talaga mag usap ang mga "boys" (boys kasi immature) about sa ibang babae. pero yung sabihan ka ng hurtful words, iba na po yon. yun yung need mong icorrect sa kanya na ok lang na manuod sya ng ganun pero wag ka sasaktan. take care of yourself, your mental health and paglaban mo sarili mo.

Magbasa pa