Dahil sa pandemic napakahirap magpacheckup. Nagpunta ako sa nearest maternity clinic kaso di siya accredited ng maxicare, nanghihinayang ako sa checkup kasi 500 kada visit. Malaking tipid kung magagamit ko sana yung hmo ko since no work no pay kami ni lip. Gusto ko humanap ng hospital/clinic na accredited para makatipid ako kahit sa checkup lang. Meron na ko request ng laboratory at ultrasound. Di ko alam if hahanap paba ko o yung malapit nalang samin ako magpupunta.
PS. no work no pay kami ni lip, kaya gusto ko sana makatipid kahit pano. humihingi din kay lip yung mama nya ng pera kahit wala kami sweldo, di niya naman matanggihan kahit maliit ipon nya. 5mos preggy na ko. Nag aalala din ako kasi may nababasa ako na mahal ang panganganak ngayon dahil sa pandemic. May ipon naman ako pero gusto ko sana magkusa siya mag abot para sa checkup at lab ko, kaso ang sabi nya sakin "akala ko ba kaya ka nag iipon para panggastos?" Medyo naistress lang ako kasi isang chat lang sa kanya ng fam nya, padala agad siya.
Anonymous