nalilito/ naguguluhan

Dahil sa pandemic napakahirap magpacheckup. Nagpunta ako sa nearest maternity clinic kaso di siya accredited ng maxicare, nanghihinayang ako sa checkup kasi 500 kada visit. Malaking tipid kung magagamit ko sana yung hmo ko since no work no pay kami ni lip. Gusto ko humanap ng hospital/clinic na accredited para makatipid ako kahit sa checkup lang. Meron na ko request ng laboratory at ultrasound. Di ko alam if hahanap paba ko o yung malapit nalang samin ako magpupunta. PS. no work no pay kami ni lip, kaya gusto ko sana makatipid kahit pano. humihingi din kay lip yung mama nya ng pera kahit wala kami sweldo, di niya naman matanggihan kahit maliit ipon nya. 5mos preggy na ko. Nag aalala din ako kasi may nababasa ako na mahal ang panganganak ngayon dahil sa pandemic. May ipon naman ako pero gusto ko sana magkusa siya mag abot para sa checkup at lab ko, kaso ang sabi nya sakin "akala ko ba kaya ka nag iipon para panggastos?" Medyo naistress lang ako kasi isang chat lang sa kanya ng fam nya, padala agad siya.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tawag ka sa maxicare pra maadvise ka saan ung pinalamalapit na clinic or hospital na accredited na HMO mo. About sa financial nyo n LIP mo hindi mo pwde pagbawalan n magbigay sa nanay nya. Kausapin mo nlang na ung ipon mo pra sa panga2nak mo un. At about sa bill yes malaki laki kasi may charge ung mga PPE na ggamitin ng doctor. Pag gusto mo.mkatipid hanap ka ng public dun ka magpacheck up hnggang manganak ka para maliit lang nabayaran. Ako pinaghanda ng OB ko ng more.or less 100k pero CS ksi ako

Magbasa pa
4y ago

Btw mag 5years na kami, and 2years palang siya nagwowork (putol putol), sa 3years na wala siya work, ako nagwowork para samin dalawa.

Mommy, wag mo solohin ang gastos kahit pa sabihin na walang trabaho yung lip mo sya pa din tatay nyan at dapat shared responsibility kayo. Dapat po malinaw sa inyong dalawa yun.

4y ago

Siya naman bumili ng anmum ☺mas ok sana kung magkusa siya mag share sa checkup, lab at vitamins. Nakakahiya kasi manghingi.