Responsibility as inlaw

Hello mga mommies. Gusto ko lang maglabas ng hinanakit 🥲. Hindi ko alam kung valid ba yung feeling ko. May instances kasi na yung mother ni Lip is nanghihiram ng pera sa partner ko, kumbaga ang chat e "manghihiram sya ng pera at wag magaalala na ibabalik nya sa sahod need nya lang hulogan yung utang nya" tapos after nun napansin ko kay lip na parang bigla nag-iba mood nya. Parang nanlumo na wala syang mapaihiram sa mother nya. Saken naman kung may extra why not kaso wala din kame. Tapos nalaman ko na may hiniram palang pera ate nya dun sa mama nila and hindi pa nababalik ng ate nya, so tumawag po ate nya keso pahiramin daw po kasi nakakuha nako ng maternity pay (which is hindi ko pa po nakukuha and iba ang policy ng company namen sa maternity benefit). Medyo nastress lang po, hindi ko po alam if valid sya. Anyway nakabukod napo kame pero minsan po feeling madalas kargo po nmen sila. Hindi din naman po sa pag aano pero sa relasyon namen ni Lip ako yung breadwinner. Hindi ko po sinisilip na mas malaki yung kinikita ko kesa sknya pero kasi yung fam nya po e pag hindi napagbigyan akala po napagdadamutan 🥲

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I hope your partner knows when to stop helping. Ang pagbukod ay kasama ang finances at emotions, hindi lang ang physical na bahay. Your maternity benefit is for you kasi you will not be working while on mat leave. If you let them borrow your money, bahala ka, but if nashort ka sa budget, that's on you po talaga. This is not being madamot, but this is being responsible. This is also to teach his family about financial literacy. Umuutang to pay for another utang is a red flag. Kung kakarguhin niyo sila palagi, they won't learn. And kayo din, forever kayo magbibigay. Hindi ito pagdadamot, but your priority is now your spouse and your child/ren, hindi ang nanay, tatay, o mga kapatid. Set boundaries. Let your partner know your thoughts. Kung babawasan kamo yung mat ben mo at hindi mabayaran agad ng pamilya niya, siya ang bayad on their behalf. Be firm.

Magbasa pa

Hi momsh,you can always say no to them. Walang masama dun,after all di niyo na dapat sila kargo especially kung "Utang nila" yung babayaran. Mukang ikaw yung tipo ng tao na mabait at hindi maka-hindi sa tao. Dpat matuto ka maging selfish minsan. Lalo kung may mas importante kang paglalaanan ng pera mo.

Magbasa pa