Baby ayaw biglang mag milk
Currently @8 months pregnant here and last week unfortunately nagkasakit ako . Ubo at sipon. Nahawaan ko ung panganay ko dahil lagi nya tinatanggal ung face mask ko. Btw ung panganay ko is 4 yrs old and na diagnose ng CP w/ GDD . Since nahawaan ko sya nagsimula na din sya siponin at ubo . Napainom ko naman po sya ng mga otc meds pero parang di nag iimprove ung ubo nya so nag decide ako na ipa check up sya nung sabado at niresetahan ng pang ubo at anti biotics. Btw ayaw na ayaw nya uminom na nalalasahan ung gamot so usually hinahalo ko un sa milk nya. Pero dahil hndi nya nauubos ung milk nya dahil sa pag ubo nya nag decide ako na painom sya gamit ang dropper. Mahirap po tlaga pa inomin ng gamot ung anak ko ever since pa lang . Kahit vitamins ay hinahalo ko sa milk nya. Iyak sya ng iyak after ko ma pa take ng meds nya. Pero mula noon po biglang ayaw nya na mag milk sa bottle nya. Napapainom ko lang sya after nya matulog. Mag 3 days na pong ganon. Di rin kase nya alam uminom gamit ang straw kahit ilang beses ko na syang tinuruan . Di pa po kase nakakapagsalita anak ko kaya hndi ko alam kung ano gagawen ko. Sa ngayon , napapainom ko naman sya sa baso kaso tubig lang gusto nya inumin don. Nag offer po ako ng chocolate milk at vivalyte pero ayaw nya.