Ang hirap kapag closeminded ang family mo...

Currently 17weeks pregnant po and 25y/o na din po. Naconfirm ko lang actually yung pregnancy ko nung 15weeks ako. Okay naman po sa boyfriend ko and sa fam ng bf ko. Excited nga sila. Ang kaso sa side ko pahirapan...Gusto po akong pauwiin ng probinsya ng pamilya ko at doon magbuntis at manganak. Ang problema po dito po kase sa Manila ang work ni bf and shempre gusto niya nasa malapit lang ako para incase of any emergency or ano mapupuntahan agad niya ako. Pero ayaw po ng family ko. Pinipilit talaga nila ako na umuwi. Di naman daw kami pwede magsama ng bf ko kase di pa kami kasal. May balak naman po pero ang hirap lang ngayon due to the pandemic. And dahil din po dun kinoconvince ko sila na wag na ako pauuwiin pero ayaw po talaga nila. Kung sino sino na po ang tinatawagan nila mabigyan lang ako ng travel authority kahit labag sa protocol ng govt kase dba po bawal lumabas ang buntis? Isa pa po eh pagnakauwi kami probinsya ni bf, mahihirapan na naman siya makabalik dun kase hirap po sa pass. Knowing them po, di din nila ako matututukan kase nung nagbuntis ang kapatid ko ako pa umuwi from manila para lang alagaan siya. Pano po kaya dapat kong gawin? Nakakastress na po kase. ????

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

praying na maging maayos ang situation mo momshie, pero you have all the right to say NO ikaw lang dapat ang magdedecide for you and your baby 😊

4y ago

Thank you momshie. According to my sister and auntie, wala daw po ako karapatan kase di pa naman daw po ako kasal. Kaya ayaw po nila makinig sa akin. Nasasaktan din po yung bf ko kase parang nawawalan siya ng karapatan sa anak niya. 😔😔😔

Okay lang poba malaman kung ilang taon na po kayo??

4y ago

Masyado po kase silang close minded. Nakakastress na po sa part ko. Kahit magvoice out ako di nila ako pinapakinggan kase wala naman daw ako karapatan kase di pa ako kasal.