Fam prob

Hirap na hirap na po ako sa sitwasyon ko lalo ngayong 7 months na po akong buntis, una pa lang po kasi ayaw na talaga ng mother ko sa bf ko hanggang sa nabuntis ako ng bf ko, di naman niya tinakbuhan yung responsibilidad niya pero lalong lumaki yung galit ng nanay ko sa kanya at sa pamilya niya, minaliit po sila ng pamilya ko kaya nasaktan na din po yung damdamin nila, aaminin ko po, wala silang masyadong kaya pero kapag meron naman po nakakapagbigay naman po sila and kaka start lang po ng trababo ng bf ko. Nahihirapan po ako kasi ayaw po nila kaming pagkitain or pagsamahin manganganak na lang po ako't lahat ganoon pa rin yung sitwasyon :(((

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ayoko mang bash dahil support group to sa mga mommies or soon to be mommies. Pero ine, di ito mmk na takbuhan ng problema nyi ng bf mo. Wala palang trabaho bakit kayo nag sex ng walang proteksyon. Oo mahal mo, pero intindihin mo yung magulang mo na pilit kang iginagapang para magkaron ng magandang kinabukasan. Ang app na to ay di hingahan ng sama ng loob at love problems. Madaming radio station na natangap nyan, sulat ka kay papa duduts. Kung ako din nanay mo baka ganun din nagawa ko. Mali ng nanay mo nanghamak ng tao. Pero mas may malaki kang mali dito. Magkaka anak ka na. Magfocus ka sa bata. Kung magsusustento si guy madaming paraan. Hayaan mong patunayan nya sarili nya sa magulang mo. Kung mahal ka nya talaga kahit di kayo magkita ikaw at yang anak nyo oa din pipiliin nya. Malay mo pag nagsumikap sya makita ng nanay mo na worth it sya.

Magbasa pa

Mahirap talaga pag may nakikialam. For me, mas maganda na magbukod nalang kayong dalawa. Kausapin mo mga magulang mo at ipaintindi sa kanila. Willing naman at responsible si partner.