Need advise

Hello po. I have something thats bothering me and I need advice po. I am 26yrs old and bf ko po ay 23yrs old. Been together for 2yrs and LDR kami as of now. Nasa Manila siya, nasa province ako. We have a 4 month old daughter. Eto po problem ko. Noong June 2020 pinauwi ako ng magulang ko sa probinsya namin kase nalaman niyang buntis ako. Pumunta po si bf dito sa province namin para magpaalam sa parents ko na magpapakasal na kami. Yung papa ko po okay naman kaso yung mama ko todo kontra. Andaming dahilan. Kesyo pandemic pa. Kesyo magaabroad pa ako at kung anu-ano pa. Netong November 2020 po pumunta siya ulit dito samin kasama ang parents niya and again napagusapan na naman ang kasal. Yung nanay ko po ganon pa din. Kesyo di daw makakauwi yung mga kamag-anak na nasa ibang lugar kase nga po pandemic. Alam ko naman po na kumukontra siya sa pagpapakasal ko kase di pa po nila gaano kakilala yung bf ko gawa ng sa Manila po kami naka-base noon. Alam ko naman po may sama ng loob sakin ang mama ko kase na-halt yung pagaapply ko sa ibang bansa gawa ng nabuntis ako. Sinasabi niya na di ko man lang daw naisip na tulungan sila na makaahon sa buhay bago ako nagpabuntis. Noon naman pong nasa US ako lahat naman ng kailangan nila binibigay ko. May monthly allowance silang $1000 bukod pa sa mga pahingi hingi at hirit hirit nila. Noong una po parang nagdadalawang isip din ako na umuwi kay bf kase medyo magulo po ang sitwasyon nila ng pamilya niya ngayon pero netong mga nakaraan eh naaawa na po ako sa kaniya kase panay siya tanong kung kelan na daw niya makakasama kami ng anak niya. Gusto na daw niya na paguuwi siya ng bahay eh madadatnan na niya kami ng anak niya. Natuwa naman po ako doon kase noon po talagang di siya makatanggi sa mga barkada niya. Pag nag-aya go agad. Minsan itatago niya pa sakin na umalis siya at malalaman ko na lang huli na. Yung mga kaibigan pa naman niya eh lagi siya inaaya kase siya lang ang may sasakyan sa kanila. Tapos ipapakilala pa siya sa mga babae sa inuman. Kaya talagang pinagaawayan namin yun. Nung sinabi ko po yun sa mama niya nagalit din siya sa anak niya at pinayuhan ako na umuwi na kay bf para nga po maramdaman na ni bf na may pamilya na siyang sarili. Ngayon po di ko na alam gagawin ko. Gusto ko na din po na makasama siya ng anak namin kase lumalaki ang bata na di siya nakikita pero di ko po alam pano maeexplain sa nanay kong sarado ang isip na ganon ang gusto ko. Pasensya na po sa sobrang haba. Thank you po sa pagbabasa at sana makakuha ako idea pano po gagawin ko. Salamat po.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You're 26, you should be able to make life decisions on your own, even if your parents don't agree. As much as you love your parents, you also have to prioritize YOUR family. May anak ka na. Andyan ang tatay. Hindi pa man kayo kasal, they should come before anyone else. You also have to think how far you're willing to sacrifice your own family para lang masunod ang gusto ng magulang mo. Hanggang kailan ka willing na hindi magkasama si baby, ikaw, and yung tatay kasi ayaw pa ng magulang mo at feeling nya hindi ka pa nakatulong sa kanila. Although that's also faulty kasi hindi ka naman ipinanganak sa mundo para iahon ang buong mag-anak mo sa kahirapan. May pangarap ka rin, may sarili kang buhay. It sounds like you and your SO are ready to commit to each other naman na. May pandemic man o wala, kung desidido kayo na ito na yung time para magpakasal, go na. Basta stay safe and sumunod sa protocols. Pwede naman mag-celebrate nang maramihan pagkatapos ng pandemic. Even going abroad to work, possible pa rin naman yan in the future. If things turn out well, pwede mo pang isama buong pamilya mo kung saan ka man magta-trabaho. You need to establish boundaries with your parents. Kahit naman anak ka nila, you are an adult now, with adult responsibilities, and you should be free to make life decisions on their own. After all, buhay mo yan. Future nyo ang nakasalalay.

Magbasa pa
4y ago

I agree with this. Mamsh, need mo talaga panindigan at ipaglaban ang sariling family mo ngayon kasi it's your own life na talaga (if you know what I mean). Feeling ko di pa matanggap ng Mama mo na may sarili ka nang pamilya but you have to make them understand and accept that reality. Ganun talaga masasaktan natin sila. Please make your own decision na hindi naka base sa iba. Lakasan mo loob mo para sa inyo ng baby mo 🙂

VIP Member

Mahirap ang sitwasyon mo, mie, pero kelangan mo rin ipaglaban yung sarili mo. Like you've said, nung nag-US ka, pinapadalhan mo sila ng $1k every month, kahit paano nakatulong ka na rin naman. Hindi obligasyon ng anak ang mga magulang pagtanda nila. Kung tutulong man ang anak, it should be out of love, hindi out of responsibility. Kelangan din ng anak mo ang tatay nya. And you both love each other naman ng bf mo, so I don't see any valid reason para hindi kayo magsama. You need to decide once and for all. Kausapin mo mama mo, sabihin mong aalis na kayo ng baby mo, sabihin mong alam mong sasama ang loob nya sa pag alis nyo pero kelangan mong gawin yun para sa inyo ni baby. Hindi ibig sabihin na hindi ka na tutulong sa kanila, kapag kelangan nila, at kaya mo naman, tutulong-tulong ka pa rin, pero matanda ka na kamo at may sariling desisyon. At sana in time matanggap nya rin ang magiging desisyon mo. You need to be firm, ma. Kung gusto mo magkasama na kayong tatlo ng bf at baby mo.

Magbasa pa
4y ago

Then hayaan mo na muna po mother mo and leave. You are old enough to decide for your own and for your baby. But you have to face din yung magiging galit nya pag nagkataon. Pero nanay mo pa rin yun. Magalit man sya ngayon, in time magkakaayos din kayo. Kasi kung aantayin mo ang approval ng mama mo, then paghandaan mo na lang din po yung possibility na mawala sayo yung bf mo.

Same tayo ng situation nung nalamn ng parents ko. Yung mama ko sumama yung loob. 24 years old here, dapat mag aabroad din ako this 2021 or 2022 pero yun nga na preggy. 2 years older ako sa bf ko naging okay din nman si mother after a few weeks. Natanggap niya din. Ganyan din yung unang reason niya kasi pandemic daw bat daw ganun nagawa nmin. Thankful nman sa papa ko na naging supportive. Nag usap na din both parents nmin. May date na rin kmi ng kasal. Gusto din ng future hubby ko na dun muna kmi sa side niya manirahan.

Magbasa pa
4y ago

Dadating din yung araw na ikakasal ka sis. Sa ngayon e, may mga ganyan talagang mother pero nasa legal age ka na para makapag decide para sa sarili mo. Dun na dapat kayo sa poder ng bf mo kasi tatay siya ng anak mo.

Go where your family is, time na para magsama sama kayo. Ganon lang yun kasimple.