Umiyak ka na ba sa husband mo dahil sa mga cravings?
1399 responses
no, kc kung may cravings naman aq nabibili naman nya at ok lang sa akin na kahit hindi mabili agad pwede sa akin kaht 1 week or 2 weeks pa bago mabili un cravings q kc minsan ang lau ng cravings q like kalamay ng quezon eh.. ad2 aq sa laguna mag iintay aq ng uuwi sa quezon para mabilhan aq,espasol n luto ng kaibigan ng hipag q magiintay din aq kung kailan xa gagawa o kaya kung makakasama sa amin ni baby di q na talag kinakain tulad nun talbak prutas gubat xa na sobrang daming buto na kapag kinain q for sure mahihirapan aq dumumi, nagawan nmn ng paraan na makakuha nun kaso tiningnan q lang talaga xa hindi q n kinain,alam q nmn pati na hindi lahat ng gusto q mabibili agad ng asawa q pagod xa s trabaho tapos mag aasikaso pa d2 sa bahay pagdating nya kc bawal aq magkikilos bedrest lang aq kaya di q na sinasabayan ng kaartehan q intindihan na lang
Magbasa paako na inutusan ko syang bumili ng siomai house sa puregold. Sa katamaran dahil kagigising lang nya di ako sinunod. Umiyak ako ng umiyak. Kahit maselan ako nun talagang bumyahe pa ko makakain lang. 😅 Kaya ngayon pag alam nyang gusto kong kainin yung iuutos ko sa kanya go agad sya. 😂
Kahit nasa trabaho siya sa karagatan, he still manages to provide sa cravings ko. 🤣 Dahil wala tayong choice, binibigyan niya ako ng options paano ako makakabili nang mas mabilis. 🤣 Pero nong nandito siya, he cooks and buys my food cravings. Miss ko na Mister ko. 🥺😅
buti kapa sis. asawa ko nakabakasyon pa wala pa saka lang nya mabili lahat ng cravings ko pag nakasampa na ulit ng barko 😁
yes, umiyak ako hindi sa ayaw nya ako pagbigyan... hindi kasi sya makakita ng pink na pomelo 😂🤣 next day sumama ako maghanap sa kanya nakakita kami kaso hindi pink, so ayon ayoko bilhin kasi pink nga gusto ko, pagkauwi namin sa bahay iyak ako ng iyak 😂🤣
nung 1st trimester at 2nd trimester, kahit kainin ko man ang mga pagkain na gusto ko, sinusuka ko lang din, balewala.. pero nung pagdating ng 3rd trimester, tiniis ko munang wag kumain ng food cravings ko kasi biglang laki ni baby.
nalungkot lng ako nung hindi nya nabili ung gusto kong sunkist orange.. eh ayun lng kasi ung comfort food ko para hindi magsuka. pero minsan naiintindihan ko nmn.. like gusto ko ng rambutan, pero di pa pala season ng rambutan ngayon 🤣
Umiyak ako hind dahil ayaw nya ako pagbigyan. Umiyak ako kase wala siyang makitang master siomai tapos sa siomai house siya bumili.. 😂eh pareho lang siomai yon.. 😂 pero sa master siomai ko kase talaga gusto.. 😂
me pag may cravings mga moms tapos di naibibigay, sobrang nanghihina ako, at kahit anong kainin ko, diparin ako nabubusog hanggat diko nakakain yung gusto ko sa partner ko naman, nagtatampo ako na mapupunta sa iyak
Hindi pa naman ganon katindi cravings ko para maiyak ako dahil don😅 Isa pa hindi ako sinanay kase na makuha lahat ng gusto ko,hindi ako na spoiled ba..And understanding ako sa ganyan kase.😅
wala sakin okay lng skin kung wla ang iniyakan kolng gustong gusto ko ng kanin kaso ayaw ng tiyan ko sinusuka ko kaya umiiyak ako sa asawa ko kasi gusto ko tlga nung kanen kso ayaw tlga ng tyan ko