pa'rant moms..

May cousin ako.. May 2 month old baby sila ng Misis nya. Tapos etong misis nya, nag work agad.. Eto namang pinsan ko house husband sana pero may sideline sya sa baranggay namen.. So ung baby lagi nilang iniiwan saken or sa mama nya na may inaalagaan ding bata dahil yaya sya. Naiinis ako sa girl.. Nagwork work agad wala pang 2 months ung baby kung kanikanino na nila iniiwan. Tapos ung pinsan ko parang ayaw nyang bantayan ung bata pag wala yung asawa nya lagi nyang iniiwan samen.. Minsan di na ko makakilos sa bahay.Eh 6 mos. Pregnant din ako.. Minsan naiistress ako sa baby kasi iyak sya ng iyak ang hirap nya patulugin. Ang sakin lang.. Di naman ako sa madamot.. Naaawa lang dn ako sa baby na hindi mapirmi sa bahay nila.. Parang ung bata pa yung nagaadjust skanila.. Minsan kahit rest day nung girl iiwan pa din samen kesyo may bibilin saglit.. Tapos lagi pa syang kelangang sunduin ng pinsan ko sa work eh alam naman nyang walang maiiwan sa anak nila. Parang lahat kame magaadjust skanilang dalawa. Kainis na minsan. Sorry mejo mahaba.. ✌

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka buhay dalaga. Akala niya porket nagwowork na, di na nya responsibilidad anak niya. Wala namang mali if mag work siya pero sana pinag usapan muna nila ng partner niya kung sino ba talaga mag wowork at kailangang isa maiiwan. Kawawa naman si baby. Iba ang alaga ng nanay. Sana pinaramdam niya muna yun. Mabilis lang naman silang lumaki.

Magbasa pa