Okay lang ba i-give up ang career para sa anak?
TAParents, naranasan mo na bang i-give up ang iyong career para sa iyong anak? Comment below your thoughts and kwento!
I just did. since after ng mat leave ko hindi nako nakabalik especially nagka Eczema ung baby ko (maaga sya lumabas, as in before mag 2 months palang). pabalik balik sya so need mabantayan talaga kapag nagka rashes need agapan. Now, he's turning 5 months na and okay naman na sya. However, though unh partner ko and ako ung nagdecide na mag stop muna ako sa work,medyo na gguilty padin ako. Feeling ko kulang na ung sahod nya kaya panay side hassle din sya. kaya eto, naghahanap hanap padin ako ng pwedeng WFH tapos ma aalagaan ko padin baby ko. wala din kasing ibang mag aalaga. Hoping na matulungan ko padin sya sa finances namin lalo para kay baby namin. 🙏❤️
Magbasa paI gave up my career last June 6, 2020. because I have to take my maternity leave. kailangan kasi ako ng anak ko. she's 1 year and 9 months na. dahil hindi stable ang income ng partner ko, pero supported ako ng gatas at diaper ng anak ko ng parents ko. I'm very thankful I have my parents who has unconditional love for me and my daughter ❤️❤️❤️. pero I decided to go back to work, nagapply ako online and yes after 1 week, I got my job. kaka start ko lang nung March 28, 2022. Kailangan ko ma support anak ko dahil hindi habang buhay aasa nalang kami. I'm happy I have my work now as a bookkeeper sa BPO company, pero I really miss being a full time mom.
Magbasa payes. dahil maselan pagbubuntis ko 1st month palang may spotting & pinagbedrest ako hanggang sa maglihi ako napakaselan ayun nagtuloy tuloy na di na ko nakapagwork. ginugusto ng isip ko magwork dahil di pa sapat ang kinikita ng BF ko. last yr kaka regular ko lang sa work then this yr. wala na na dismiss ako sa work ko kalungkot🙁nakakapanghinayang man. ganon talaga e. mas inisip ko kapakanan ng baby ko dahil 1st baby ko isasacrifice ko kung ano meron ako🙁❤️ marami pang oppurtunity na darating wag lang mawalan ng pagasa at laban lang sa buhay🙂💯🙏🏻 enjoyin ko nalang pregnancy ko then focus kay baby 🙂❤️
Magbasa pacase to case basis. sa case ko mapalad akong maganda work ng asawa ko at malaki sahod niya sa barko. pero mahirap igive up ang career lalo na medyo may kataasan din ang sweldo ko before. yun nga lang pareho kami ng husband ko di lumaki sa nanay, kaya nagdecide ako sa sarili ko na ayoko ganun din kalakihang environment ng baby ko. di madali ang transition ng may career to a full time mom. pero worth it masaksihan bawat milestone ng baby namin. 😊
Magbasa paYes. Pure love nga lang ang sweldo at not convertible to cash 😍😅 Sa situation ko kasi ngayon I have 1 kid na nagoonline class plus maselan din ang pregnancy ko dahil nagbbleeding ako for 2 months na kaya I was advised to be on bedrest lang. Good thing may work si husband at nakakasurvive naman sa daily needs by God's grace. ☺️ Overall, ineenjoy ko nalang yung pregnancy ko. ❤️
Magbasa padepende sa sitwasyon . peroo katulad ko 5yrs ako sa work ko talagang umiiyak ako habang nag papaalam ako sa boss ko na mag reresign na ako para kay baby. ang hirap kase sa sales. stress talaga ee nawalan na ako una ng baby. syempre ayoko na maulit un . mas mahalaga si baby . madami pa naman work dyan. at hindi ko pag sisisihan na mas pinili ko mag stay sa bahay para sayo anak❤️
Magbasa paAs for who prayed and waited for 11 long years to have a child, syempre YES. Weeks pa nga lang after I discovered that I was pregnant I immediately filed for a resignation na di alam ni Mr. Late na nung nalaman niya kasi may nagsumbong sa kanya na di na daw ako pumapasok sa work. 😂😂 Pero when he knew the real reason, he was the happiest. 🤗🤗❤️💚👨👩👧
Magbasa pafor me, yes. siguro babalik na lang ako sa pagwowork pag nagaaral na baby ko. kahit ayaw ng partner ko at family nila na hindi ako magwork, di ko na lang sila pinapansin. mas importante sakin na ako mismo magalaga sa anak ko. lalo sa panahon ngayon. mainam ng masubaybayan paglaki ng bata. minsan lang naman sila bata. mabilis lang panahon. treasure it muna.
Magbasa paFor Me? Yes, I resigned on work & choose to be a full time Mom lalo't first baby ko sya. Although, regular ako sa work at malaki ang benefits nito sa akin mas matimbang pa rin ang pagiging ina. Sa una, medyo may panghihinayang dahil nasanay ka na lagi may sarili pera sa bulsa kasi ngayon umaasa na lang ako sa suporta ng partner ko & wala naman ako naging problema don.
Magbasa payes okay na okay for the sake of my kids kahit na at first medyo nakakailang na di ako ngwowork pero mas worth it naman kapag every day nakikita ko may improvemnt sa development ng mga anak ko like sa panganay ko na natututukan ko sya learning things like alphabeth , nursery rhymes and playing with them ng little bro nya
Magbasa pa