Career VS Motherhood

Selfish ba pagpinili mo yung pagtratrabaho kesa sa mag-alaga ng iyong anak? Kahit may work naman kayo pareho ng asawa mo? Mali ba na i-take mo rin ang sarili mong career kesa sa pag-aalaga ng sariling mong baby? #advicepls #1stimemom

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

full time mom. gusto ko kasi lahat ng milestone sa buhay ng anak ko andun ako personally. iba Ang saya kumpara dun sa ikkwento nlng sayo or mppanuod mo sa video. minsan nkkalungkot ding isipin na ako never ko nang na achieved ung pangarap ko pero Kung ihahambing ko naman sa anak ko anak at anak ko parin Ang pipiliin ko.. pag Laki ng anak natin ung mga memories na kasama nila tayo Ang maalala nila at Hindi Ang mga bagay na binibigay natin sakanila. sa panahon ngayon mahirap ipagkatiwala sa ibang tao Ang anak natin kahit na sa kapamilya. iba parin Ang alaga at pagmamahal ng isang Ina.. thankfully ako kasi maayos trabaho ni mister. At nprovide nya lahat ng kailangan nmn kahit stay at home ako.. mahalaga lang wag ding mapabayaan Ang bata. kaya Kung Ang asawa ko tutok sa work ako naman tutok din sa anak ko. from morning till night na mttulog na sya.

Magbasa pa

Hindi naman po masama momsh, kc ginagawa mo din yan para sa future.. If may mag aalaga naman sa anak mo go mo lang mag work ka.. Ako kc momsh kahit ilang work na ang na resign ko dhil sa anak ko, una nung nag start xa mag school ng nursery mas pinili q mag focus sknya, tapus itong pandemic nag resign ulit ako dhil d n xa kaya alagaan ng mama ko at need nya q sa online class nya.. D pare2ho momsbmh dahilan ntin.. Pero kung ako lng talaga masusunod if may mag aasikaso ng maayus sa anak ko mas gugustuhin q mag work dhil sa hirap ng buhay.. Kaya momsh ienjoy mo din mag work, as long as naaalagaan mo prin anak mo khit nag wowork ka, wlng problema un..

Magbasa pa

Not at all. You don't stop being you once you become a mom. Syempre may aspirations ka rin sa buhay, and there's nothing wrong with pursuing them as long as you're not neglecting your child. Ako rin naman, aminado na hindi SAHM material. I'm currently a SAHM because it's what's working for our family, pero once I give birth and makarecover, I'm gonna start working on my business na din, and assist si SO sa company nya so we can both work and earn from home. Working mom or SAHM, walang maslamang. It's not a competition and it doesn't make you a bad mom/person for choosing either way.

Magbasa pa

well hindi naman pero for me kasi, mas maganda talaga sa first 1000 days ng baby, momy ang nag aalaga. Jan kasi nagsisimula ang habits ni baby sa lahat ng bagay. If iba kasi mag aalaga, mahirap na baliin kapag naka develop ng habits or bisyo na di mo gusto. Jan din nagsisimula ung pagiging picky sa food pag iba nagpapakain hindi ikaw. pero up to you pa rin.. this is just my opinion as someone na maa pinili maging full time mom and homemaker.

Magbasa pa

In my opinion lang po to momsh ha ๐Ÿ˜Šif kaya naman iprovide ni hubby lahat ng needs go for staying at home mom.. Wala makakatalo kasihayan na araw2 mo nasusubaybayan mo baby mo nag ggrow at everyday may na a achieve na mga words or moves.. Pero if u really want tlg mag work go for it, kung makakahanap ka ng makakapagbantay ng baby mo na tlgang aalagaan at mamahalin nila ng para kanila ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang naman yun mommy. Para sainyo din naman ng family mo yun. ๐Ÿ˜Š As long as nabibigyan mo pa din siya ng time kahit may work ka. Gusto ko din piliin sana trabaho ko non kaso wala akong choice dahil walang mag aalaga kay baby. Inisip ko na lang na minsan lang naman magiging baby yung anak ko kaya ok na din siguro mag focus sakanya for now. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

ok lang momsh na magwork bastat bigyan ng time si baby. para sa future din nyo momsh

VIP Member

thank you momsh, na enlighten ako sa sitwasyon ๐Ÿ˜Š