Just Sharing~
Buti pa yung tatay no. Magtrabaho ka lang. Bigay sahod mabuting magulang na. Samantalang Ikaw na nag alaga buong magdamag. Ikaw na kasama 24/7 nung baby. Ikaw naghirap lahat lahat. Humingi kalang ng tulog at konting pahinga wala ka ng kwentang ina. Buti pa sila may time pa sa barkada, mag online games, tumambay, mag inom at makatulog ng higit sa walong oras na tulog. Ikaw na ina, Hindi ka man lang makatulog ng higit sa dalawang oras kasi kailangan mong bantayan yung anak mo. Sumaglit ka lang sa kapitbahay sasabihin nagffeeling dalaga ka na naman. Ang hirap lang. Sobrang nakakastress. Napapagod din naman kami. Minsan gusto ko nalang maging tatay ng anak ko.
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
ganyan talaga mommy. ako din sa first baby ko bahagyat kaunti na makitaan na may pantal or napawisan sasabihin pinabayaan na agad. di daw ako maayos na ina. kapag nag me-me time sasabihin pabaya ulit. kaso wala tayo magagawa mommy, di natin kontrolado ang isip at sasabihin nila. what we can do nalang is matutong maging bingi sa mga sasabihin nila, wag dibdibin. tanggapin natin na kahit anong gawin nating kabutihan may mapupuna at mapupuna ang mga nasa paligid. ang importante mamsh maging matatag ka at maniwala sa sarili. maniwala ka sa sarili mo na hindi ka nagkukulang, na nagagawa mo lahat at naibibigay mo ang pangangailangan ng anak mo. lahat ng paghihirap mo ay VALID. Godbless mommy and stay strong for yourself, for your child..
Magbasa paganyan din yung asawa ko nung una. ang ginawa ko, iniwan ko sya magisa kasama ng anak nya. Hindi ko naman iniwan ng walang dahilan, may inasikaso lang sin ako. nung naranasan na nya kung gano kahirap ang magalaga, saka ko sya kinausap na kailangan ko din ng pahinga kasi kung sya nga ilang oras pa lang di na magkaugaga pano pa pag buong araw kasama pa house chores. ngayon nasanay na sya na tulungan ako sa gawaing bahay pati paglaba 2 kami nagtutulungan pero hangang ngayon ayaw pa rin nya magalaga ng bata. 😂 pero okay lang kasi lumuwag naman trabaho ko sa bahay dahil sa tulong nya.
Magbasa paHuhu. Nakakalungkot na may ganyang mga asawa. Sana mainitndihan ng mga tatay na kayong dalawa ang bumuo sa bata, kaya dapat tulungan din kayo sa pag-alaga at pagpapalaki niya. 😔 I hope makapag-usap kayo ng maayos at magkasundo sa kung paano ninyo matutulungan ang isa't-isa. Baka kasi magulat ka, sasabog ka na lang isang araw sa sobrang galit. 😔
Magbasa pa😣 nakakaSad nga naman Talaga. dq pa naRnasan pero dama ko Ung Bgat sa Loob na Pagod na pagod ka kase ikaw lahat sau lahat.. ung dmo malabas Ung kinikimkim mo kse sasabhin sau NgRereKlamo kna KaAgad🥺. stay strong lng po lage mamsh.. kaya mo Yan.. think positive po lage ha. wag mgpadala sa lungkot at stress. ❤you 😇Godbless.
Magbasa paGanyan po talaga mommy. dami nilang ganap sa buhay. daming side comments kahit anu pa gawin mo. Gawin mo isang bagay, may comment sila, gawin mo gusto nila may comment parin. Ang mahalaga naaalagaan niyo po ng maayos baby niyo at sarili niyo. Dedma nalang sa sasabihin at reaksyon nila mommy. Pray. 🙏
Magbasa paalam mo mommy naranasan ko din yan pero ang mas natutunan ko sa journey ko tong i-master ang deadma! nag focus nalang ako sa baby ko kesa bigyan ko sila ng pansin stay strong!
same. sad to say ganyan tatay ng anak ko. buntis palang ako kahit masama pakiramdam ko ako pa din ang kikilos para sakin, siya wantosawa sa computer games
wag mo intindihin mga kapit bahay na yan . wala yan magawa sa buhay nila . nag hintay lang mga yan ng ayuda jk. NGITI KA na mommy wag ka paka stress.
true! classic example talaga. tama nga sabi ng matatanda dito samin.. 😅 pag sawa kna maging prinsesa, mag asawa ka, now i know what it means
Kapit lang sis, lalaki din yan si baby makakalagpas ka din jan, basta mahalaga walang may sakit diba, ung iba jan fighting for their lives..