Just Sharing~

Buti pa yung tatay no. Magtrabaho ka lang. Bigay sahod mabuting magulang na. Samantalang Ikaw na nag alaga buong magdamag. Ikaw na kasama 24/7 nung baby. Ikaw naghirap lahat lahat. Humingi kalang ng tulog at konting pahinga wala ka ng kwentang ina. Buti pa sila may time pa sa barkada, mag online games, tumambay, mag inom at makatulog ng higit sa walong oras na tulog. Ikaw na ina, Hindi ka man lang makatulog ng higit sa dalawang oras kasi kailangan mong bantayan yung anak mo. Sumaglit ka lang sa kapitbahay sasabihin nagffeeling dalaga ka na naman. Ang hirap lang. Sobrang nakakastress. Napapagod din naman kami. Minsan gusto ko nalang maging tatay ng anak ko.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan talaga mommy. ako din sa first baby ko bahagyat kaunti na makitaan na may pantal or napawisan sasabihin pinabayaan na agad. di daw ako maayos na ina. kapag nag me-me time sasabihin pabaya ulit. kaso wala tayo magagawa mommy, di natin kontrolado ang isip at sasabihin nila. what we can do nalang is matutong maging bingi sa mga sasabihin nila, wag dibdibin. tanggapin natin na kahit anong gawin nating kabutihan may mapupuna at mapupuna ang mga nasa paligid. ang importante mamsh maging matatag ka at maniwala sa sarili. maniwala ka sa sarili mo na hindi ka nagkukulang, na nagagawa mo lahat at naibibigay mo ang pangangailangan ng anak mo. lahat ng paghihirap mo ay VALID. Godbless mommy and stay strong for yourself, for your child..

Magbasa pa