Just Sharing~

Buti pa yung tatay no. Magtrabaho ka lang. Bigay sahod mabuting magulang na. Samantalang Ikaw na nag alaga buong magdamag. Ikaw na kasama 24/7 nung baby. Ikaw naghirap lahat lahat. Humingi kalang ng tulog at konting pahinga wala ka ng kwentang ina. Buti pa sila may time pa sa barkada, mag online games, tumambay, mag inom at makatulog ng higit sa walong oras na tulog. Ikaw na ina, Hindi ka man lang makatulog ng higit sa dalawang oras kasi kailangan mong bantayan yung anak mo. Sumaglit ka lang sa kapitbahay sasabihin nagffeeling dalaga ka na naman. Ang hirap lang. Sobrang nakakastress. Napapagod din naman kami. Minsan gusto ko nalang maging tatay ng anak ko.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din yung asawa ko nung una. ang ginawa ko, iniwan ko sya magisa kasama ng anak nya. Hindi ko naman iniwan ng walang dahilan, may inasikaso lang sin ako. nung naranasan na nya kung gano kahirap ang magalaga, saka ko sya kinausap na kailangan ko din ng pahinga kasi kung sya nga ilang oras pa lang di na magkaugaga pano pa pag buong araw kasama pa house chores. ngayon nasanay na sya na tulungan ako sa gawaing bahay pati paglaba 2 kami nagtutulungan pero hangang ngayon ayaw pa rin nya magalaga ng bata. 😂 pero okay lang kasi lumuwag naman trabaho ko sa bahay dahil sa tulong nya.

Magbasa pa