Just Sharing~

Buti pa yung tatay no. Magtrabaho ka lang. Bigay sahod mabuting magulang na. Samantalang Ikaw na nag alaga buong magdamag. Ikaw na kasama 24/7 nung baby. Ikaw naghirap lahat lahat. Humingi kalang ng tulog at konting pahinga wala ka ng kwentang ina. Buti pa sila may time pa sa barkada, mag online games, tumambay, mag inom at makatulog ng higit sa walong oras na tulog. Ikaw na ina, Hindi ka man lang makatulog ng higit sa dalawang oras kasi kailangan mong bantayan yung anak mo. Sumaglit ka lang sa kapitbahay sasabihin nagffeeling dalaga ka na naman. Ang hirap lang. Sobrang nakakastress. Napapagod din naman kami. Minsan gusto ko nalang maging tatay ng anak ko.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Huhu. Nakakalungkot na may ganyang mga asawa. Sana mainitndihan ng mga tatay na kayong dalawa ang bumuo sa bata, kaya dapat tulungan din kayo sa pag-alaga at pagpapalaki niya. 😔 I hope makapag-usap kayo ng maayos at magkasundo sa kung paano ninyo matutulungan ang isa't-isa. Baka kasi magulat ka, sasabog ka na lang isang araw sa sobrang galit. 😔

Magbasa pa