Share ko lang...

Bumili ako ng Baru-Baruan ni Baby isang set na yan. Gusto ko kasi panglingguhan kaya tig 6pcs. yan. 1890 lang yan sa shopee. Kompleto na. Tapos sinabihan ako ng nanay ko na nag aaksaya daw ako ng pera hindi naman daw yan magagamit lahat. Ang gusto nya kasi mangyari manghiram na lang ako. Tapos nung nakahiram sya kulang kulang. Ngayon parang nawalan na ako ng gana mag add to cart at umorder uli. Hirap din pala ng nasa poder ng magulang mo kasi parati syang may sinasabi at gusto sya lagi nag dedecide para sayo. Baka nga pagkapanganak ko e buhay ng anak ko naman ang kontrolin nya. Tapos hindi ko na mapangaralan anak ko. Hindi naman kami makaalis dito kasi kahit papano yung asawa ko nagkakaroon ng hanap buhay dito both parents ko may business doon naman sa kabila sa poder ng asawa ko hirap din sila kasi walang business parents nya mga kapatid lang ng asawa ko nagwowork sa epza/bacao pero tahimik buhay ko kasi dalawa bahay doon. Sa isang bahay kami nakatira nung wala pang pandemic. Hindi kasi mabunganga yung nanay nya di tulad ng nanay ko. Kaso nung nalockdown di na sya makabyahe ng ayos sa tricycle kulang na kulang yung kita nya kaya lumipat kami dito. Hays diko na alam nasstress ako pag tuwing may sinasabi sila sakin. Yung bang gusto iblock yung mga gusto kong gawin na ikakasaya ko.

Share ko lang...
100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po FTM din, ang dami ko din pong binili na barubaruan, mag 2months na baby ko, di ko na masyado nagagamit pero kasya naman. Medyo hassle lang kasi gamitin at mabilis lumaki ang baby sobra. Haha. Same here na laging may side comments ang magulang ko pero okay lang po yan mommy, they know better kasi naging mommy na sila for a long time. Ilang beses ako napressure na mag breastfeed sa baby ko, ayoko kasi magbreastfeed nung una dahil sobrang nagsugat nipple ko at di ko rin talaga gusto, pero ngayon masaya ako nagbrebreastfeed. Totoong nakaka-stress din sila minsan dahil syempre gusto mo din matuto mag-isa, pero hahanap-hanapin mo pa rin kalinga ng mom mo and tulong niya 😊

Magbasa pa