Share ko lang...

Bumili ako ng Baru-Baruan ni Baby isang set na yan. Gusto ko kasi panglingguhan kaya tig 6pcs. yan. 1890 lang yan sa shopee. Kompleto na. Tapos sinabihan ako ng nanay ko na nag aaksaya daw ako ng pera hindi naman daw yan magagamit lahat. Ang gusto nya kasi mangyari manghiram na lang ako. Tapos nung nakahiram sya kulang kulang. Ngayon parang nawalan na ako ng gana mag add to cart at umorder uli. Hirap din pala ng nasa poder ng magulang mo kasi parati syang may sinasabi at gusto sya lagi nag dedecide para sayo. Baka nga pagkapanganak ko e buhay ng anak ko naman ang kontrolin nya. Tapos hindi ko na mapangaralan anak ko. Hindi naman kami makaalis dito kasi kahit papano yung asawa ko nagkakaroon ng hanap buhay dito both parents ko may business doon naman sa kabila sa poder ng asawa ko hirap din sila kasi walang business parents nya mga kapatid lang ng asawa ko nagwowork sa epza/bacao pero tahimik buhay ko kasi dalawa bahay doon. Sa isang bahay kami nakatira nung wala pang pandemic. Hindi kasi mabunganga yung nanay nya di tulad ng nanay ko. Kaso nung nalockdown di na sya makabyahe ng ayos sa tricycle kulang na kulang yung kita nya kaya lumipat kami dito. Hays diko na alam nasstress ako pag tuwing may sinasabi sila sakin. Yung bang gusto iblock yung mga gusto kong gawin na ikakasaya ko.

Share ko lang...
100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

tama naman po nanay niyo. sakin nga konti lng din 6pcs na baruan, 3 pcs pajama. may bigkis pa na anim pero di ko nagamit masyado ung bigkis. about sa baruan after 1 month nalakihan na agad. ung pag 3-6mos 3pcs lng na baruan ung nasusuot pa. lalo na pag breastfeed si baby mabilis lang lumaki. 😊 swerte ka pa din mommy may kasama ka hanggang sa manganak ka may tutulong sayo pag anjan na si baby, like sakin dati nung sa panganay ko pero itong pangalawa kami lng ng asawa ko.. mahirap mag alaga, minsan naiiyak nlng ako wish ko sana kasama ko mother ko kaso nasa langit na sya eh.

Magbasa pa

walang mali sa ginawa, mas ok yung may sarili kang desisyon sa pgpili ng damit ni baby mo,kesa umasa sa hiram,siguro nman dika nman bibili ng baru baruan kung sa una plang may ngoffer na sayo na papahiramin ka diba?mahirap din kasi umasa sa kmag ank khit meron sila kung di rin naman sila willing magpahiram diba? so its better na bumili ka na nga lang kesa mghintay o maghiram kani kanino.atlis wala pa silang masasabi sayo!oo khit ilan weeks lang masuot ni baby m yan.atlis matatabi mo yan sa susunod na baby mo,edi atlis wala ka ng iisipin pa kase meron ka ng baru baruan!

Magbasa pa

baka gusto ng ina mo na mag ipon ka ng Pera para sa panganganak mo instead of buying stuff. or Kung mag buy ka yung tipong makatipid ka. kaya cguro nagagalit mama mo kc may nabibili kang dmo na magagamit. ok naman din ginawa mo na bumili sa paraan na gusto mo. wag mo nlng pag isipan ng masama ginagawa ng mama mo sayo. bumili ka kung gusto mo hayaan muna nanay mo magalit.. Pareho lng din naman kayo may punto rin. ako nga 5months dpa ako bumibili peo mama ko nakabili na 😂😂 hinahayaan ko lang.. bibili nlng ako Kung ano ang kulang mas makakatipid pa ako. pl

Magbasa pa

Kulang pa po yan kung tutuusin, kc nakakailang bihis po ang baby sa maghapon. Pero kung my willing namn po magbigay sayo ng ibang newborn clothes, tanggapin niyo po. 2nd baby ko na po, tig 3 na bago lang binili ko, curity lang dinamihan ko saka 3 pranela. Kc my mga luma pa ko na newborn clothes, ginamit ng panganay ko. Hindi nman masama sinasuggest ng nanay mo, baka kita niya na hirap ka din namn kaya nag aadvice siya sayo. Siya din nman ang makakatulong mo pag nanganak ka na, kung ayaw mo naman pakialman k niya, much better kung bumukod nalng kayo.

Magbasa pa

Mamsh wag mo masamain ha pero tama naman saglit lang magamit ni baby yan. Twins anak ko pero ganyan kadami lang damit nila. Tyaga lang sa laba. Pwde mo sya ibenta after pero madami na din nagbebenta nyan. Siguro dala ng pandemic yan kasi gipit mga tao, hirap kumita ng pera ngayon kaya hindi wise na magbili ng kung ano ano. Nakikitira po kasi kayo, dapat po magadjust kayo. Make sure makihati po kayo sa bills sa bahay, baka yun po kasi kinagagalit ng nanay nyo. Kung offending po ang pinapakielaman , lumipat na lang po siguro kayo ng bahay.

Magbasa pa
TapFluencer

Ako Ang mga binili ko Lang sa baby ko Yung pangmatagalan nya magagamit like pajama, shorts, socks at Sando ilang pirasong mittens at booties Lang binili ko Yung magagamit nya Lang sa first few months nya at kapag sale Lang ako nabili para iwas gastos. Yung mga baru baruan at ibang mittens at Bonet nya galing sa mga pinagliitan Ng mga pinsan nya. Dami nila binigay na baru baruan pero ngayong 1 month na baby ko di ko na sya masyadong pinapasuot nun Kasi lumalabas na tyan nya, maliit na para sa kanya kaya puro Sando na sya ngayon.

Magbasa pa

As a First time mommy ganun talaga excited ka talaga magbibili ng mga damit ni baby, add to cart pa more! Hehehe pero based on my experience tama rin yung mother mo kasi Ang baby mabilis lumaki kaya masasayang lng yung binili mo napaka dami.. Be wiser momsh bago ka mag add to cart & check out to place order isipin mo muna kung maggamit ba ni baby ng pang matagalan. Hindi naman cguro sa pagging pakielamera ng mommy mo cguro gusto ko lang nya iguide bilang mommy kana din na mging wise sa mga bnbili o ginagawa mo.

Magbasa pa

lam mo..first time ka kc kaya super excited, at gusto mo lhat meron sya ,na gusto mo walang kulang sa gamit nya ,pero may point din nman c mudra,😁..hnd nman kc talga magagamit lahat yn ng matagal..dhl ayaw mn natin..kaya lng ang bilis lng lumaki ng mga baby ngaun..nag cacare lng c mudra para makasave kayo..dhl after mo manganak mas marami pa na pglalaan importanteng bagay kay baby...kaya wag na masama loob sa mga nanay nyo..pero di ako agree don sa hiram..kng bigay sau mas ok..good luck mga new moms!!😊

Magbasa pa

girl anak ko at bumili ako ng 3 pcs per set na pink saka ibang chenes chenes. pero marami din ako nakuhang hand me downs, ung iba damit ko pa nung baby ako 😅 ito lang mga binili ko bago, wala pa jan ung mga white na hand me downs na sobrang dami. sabi nga ng mama ko kahit 2 weeks bago maglaba kakasya ung lahat ng damet na meron ako haha sinabi din ng mama ko sakin na wag ako bumili ng marami at tama na daw yang ganyan kadami kasi malalakihan lang agad agad yan.. in 1 month di na masusuot.

Magbasa pa
Post reply image

Ako din bumili ako ng ganyan sa shopee, puro mga baru baruan sinasabihan din ako na wag na bumili ng mga ganyan kase masasayang lang din daw. Pero binili ko pa rin pera naman namin mag asawa ang ginastos ko para sa gamit ng bata di naman sa kanila. Don't mind them nalang sis. Kung san ka masaya gawin mo tutal para naman sa anak mo yan. Tsaka makidamit ang mga baby, sa isang araw nakakailang palit din sila tsaka ang hirap yung laba pa ng laba at kulang sa gamit. 😊😉

Magbasa pa