100 Replies
Hello Mommy. Actually, ito lang talaga yung mga binili namin π we bought all white. 3 pairs of longsleeves with pajamas 3 pairs of shortsleeves with pajamas 3 pairs of sleeveless with pajamas 3 onesies 3 bibs 2 sets of mittens and socks 3 receiving blankets 2 pang alis na onesies 12 lampins 6 small towels And good thing hindi na namin dinamihan dahil may mga nagbigay din ng mga pre loved newborn clothes. And mabuti na lang talaga hindi namin dinamihan dahil mabilis na nalakihan ng baby namin. ππ Ang mas pinag tuunan namin bilhin is stroller and humidifier/air purifier since mas matagal na gagamitin. For clothes kasi you can use that for almost 2 months lng parang dadaanan lang talaga. Kaya advisable talaga na kung may nagbibigay and if in very good condition pa mas ok kesa bumili. :) Thatβs my opinion lang naman mommy! You know we are excited talaga lalo na pag first time mom. Pero un nga may iba kong nabili na sadly hindi din nagamit so sayang.
Sinabihan din ako ng nanay ko nung una about barubaruan. Sabi nya okay na six to ten pairs dahil mabilis kalakihan. Pero syempre makulit ako di ko sinunod 2 dozen ata nabili kong damit, kasi nung lumabas baby ko ang liit. Kaso namroblema na ako nung 2 months nya kasi bigla syang lumaki di na tuloy nya masuot yung mga damit π. Nagtiis tuloy si baby ng 1 week ata? Kasi inabutan kami ng pandemic and sarado mga mall kaya thru online na kami nakabili. Ngayon naman baliktad na kami ng nanay ko, sya naman bili ng bili ng damit ni baby, sarap daw kasing bihisan, and pwede namang ibenta or magamit pag nagka baby ulit sa family. Pero for me talaga, mas magandang sundin mo muna yung gusto mo or yung tingin mong mas makakabuti sayo and for baby, matututo ka din naman sa experience as the time goes by.
First time mom here also. Tig 3pcs lang binili ko. Hindi lang dahil sa sinabi ng mother ko na mabilis kalakihan, even all my friends na mom na din nagsasabi na do not buy too much of barubaruan dahil ang newborn, parang hinipan lang ng hangin mabilis na lumaki. And maybe I try to listen to what my mom has to say, mas ok na siguro ung may opinion nya kahit papano kase for me as a first time mom, papunta palang ako sya pabalik na. Di naman siguro mag aadvice ang nanay naten ng ikakasama natin at ni baby, you can double check to your OB and Pedia ung mga advices ng mom mo kung sa tingin mo eh hindi ok. Just think na napalaki ka nya ng maaus, meaning di lahat ng alam nya nakakasama. Be thankful you have someone/parents na nag guide sayoπ
Ganyan talaga mga nanay naten. Syempre kase pinagdaanan nya na din momsh kaya baka ginigiit nya yung kanya. Since nabili mo naman na yan wala naman na syang magagawa. Tsaka pera mo naman pinambili mo kaya okay lang yan. Para kay baby din naman lahat ng yan so walang sayang. Kahit kame ng asawa ko gusto naman namen bago yung mga isosoot ni baby kahit pa sabihin nila na sayang at mabilis lang nya makakalakihan. Pwede mo naman itago yan pag hindi na kasya tas sa sunod na baby ulet diba? Asa tamang pagtatago at pag iingat lang din naman yan sa damit since all white so any gender pwede. Hayaan mo na lang si mother sa mga sinasabe nya. Nanghihinayang lang siguro yun talaga sa pera. Ikaw pa din masusunod sa anak mo kase ikaw ang mommy.
yung sakin naman kabaliktaran kunti. mama at papa ko bumili ng mga gamit ni baby tas naparami π pero okay lang hinayaan ko lang kasi gusto ko ma feel din nila ang excitement sa pagdating ni baby. lahat ng desisyon ko nakabase sa pananaw ng magulang ko kasi napagdaan na nila lahat. one time di ako nakinig sa mama ko at nagkatotoo sinabi nya. kaya malaki pasasalamat ko anjan sila para gabayan ako sa pagbubuntis. kung di magamit yung ibang nabili ng magulang ko, ibebenta ko nalang pag naka imbak lang. narealize din ng magulang ko na napasobra ang bili nila pero sabi ko okay lang. mabebenta pa naman namin kung sakaling di magamit yung iba. stay positive lang momsh. always look for the better side π
Ako po FTM din, ang dami ko din pong binili na barubaruan, mag 2months na baby ko, di ko na masyado nagagamit pero kasya naman. Medyo hassle lang kasi gamitin at mabilis lumaki ang baby sobra. Haha. Same here na laging may side comments ang magulang ko pero okay lang po yan mommy, they know better kasi naging mommy na sila for a long time. Ilang beses ako napressure na mag breastfeed sa baby ko, ayoko kasi magbreastfeed nung una dahil sobrang nagsugat nipple ko at di ko rin talaga gusto, pero ngayon masaya ako nagbrebreastfeed. Totoong nakaka-stress din sila minsan dahil syempre gusto mo din matuto mag-isa, pero hahanap-hanapin mo pa rin kalinga ng mom mo and tulong niya π
Moms, totoo naman po kasi, di talaga lahat magagamit ni lo, maging MAS matipid ka muna kasi hindi mo expect lahat ng bagay na daating once na anjan na si ko, wala naman din masama sa sinabi ng mama mo, may point naman siya ayaw molang tanggapin yun lase akala mo alam mona lahat at gusto mo ikaw si ganito ganyan. Kung ayaw mo ng ganyan ode bumukud ka mukang kaya mo naman na, nawalan ka ng gana e iaw naman kase ang gastadora mo kahit 1st baby yan kahit kulang kulang ang nahiram ng nanay mo edi yun nalang sana ang pinunan mo hindi yung magiinarye ka dito na sasabihin kokontrolin ka. Para parwho kayo wala masbi bukod ka nalang sarili kopa buhay mo sa gusto mo mangyari.
Hirap ka sa poder ng magulang mo dahil lang nasabihan ka? Sige ah kapag nagkaproblema ka kay baby wag ka tatakbo sa nanay mo. Kita mo nga nagkapandemic san kayo ng asawa mo lumagi? Dyan sa poder ng parents mo. Iniisip lang siguro ng nanay mo na sa 1890 na ginastos mo sa baruan eh mas marami kapa sana mapamili. Yung praktikal ba. Nagonline din ako lam ko mga bundles and prices. Kung ayaw mo edi bumukod kayo ng bahay, kahit dyan lang din since sabi mo may work si hubby mo dyan. Lastly, never compare your mother/parents sa iba. Magiging nanay kana matuto ka tumanggap ng advices galing sa nakapaligid sayo.
kaya nga. Hindi sya wise na asawa at magulang gastador sya kawawa hindicmarunong mag manage ng pera hahahaha
May point din naman si mother earth. Nanay ko ganyan din but di naman ako nasstress kasi iniisip ko tama nga naman. Lalo baru baruan. Wala nga ako binili, lahat hiram or bigay lng ng ate ko. Tg 3 pairs lang ata. Mas nag invest ako sa pang matagalan like lampin, pajama, sando sando na hanggang 6mos na. Bottomline is minsan ok din makinig nalang kesa gawin pa issue ksi kung iisipin mo mas makaka save ka din talaga, mas practical, tapos di pa kayo mag aaway ng nanay mo. In any way naman aminin natin sa hindi, pag FTM, kakailanganin natin ang help ng mga nanay natin. Chill lang concern lang yan π
Sa totoo lang, first time mom din ako, pero hindi ako bumili ng mga ganyan ganyan. Puro bigay/pinagliitan ng pamangkin ko. Imagine, baby boy yung pamangkin ko, baby girl nman yung anak ko. Pinagamit ko kahit blue yung iba. Hindi na kami nag-aksaya ng pera at panahon para bumili pa kasi nakinig kami sa advice nila na pagliliitan din naman. Nung namili kami, for 3 months above na sizes na. Yung iba, hindi rin halos nagamit kasi di naman nag aaalis gawa ng pandemic. Hay nako sis. Di magagamit masyado lahat yang tie sides, lalo na yung long sleeves. Unless pala tag-ulan o nakaaircon kayo.
Vea Labarnes