I need your advice.

Bumalik kami kahapon dito sa metro manila ng lip ko kasi may pasok na nga kami ngayon at kasama namin ang pamangkin nyang babae na nasa edad na 14 years old. Sobrang malapit siya dito. Okay naman saken na dito siya tumira muna sa apartment na tinutuluyan namin dahil nga tumigil na siya sa pag-aaral dahil sa napabarkada. And then kagabi, magkakatabi kaming tatlo sa kama. Yung lip ko yung nasa gitna. Sa sobrang sweet nya sa pamangkin nya, lagi niyang kinikiss sa lips yung dalagita(ginagawa nya rin naman nya yun sa mga iba nyang pamangkin at sa nanay nya). Hindi ko lang siguro nakasanayan yung ganyang ka-sweet na trato sa pamilya kasi lumaki naman ako sa broken family kaya sa part ko siguro nalalaswaan ako. Kagabi, lalambingin n'ya yung pamangkin nya tapos ako na sunod nyang lalambingin. Sobrang naiilang ako. Dalaga na kasi siya eh. ? Wala namang problema kung dito muna siya samen, yung set up lang talaga nang pagtulog namin sa gabi ako sobrang naiilang. ? Sobrang sama ko bang tao dahil sa pag-iisip na ganito?

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kita mo nang may mali, wag mona patagalin ganun ginagawa nila, Pagsabihan mo silang dalawa, na hindi na pwede ganun ginagawa nila, dahil respeto naman sayo bilang asawa ka niya at tiyahin kana rin ng bata. Beside sabi mo parang pasaway ung bata, you don't even know kung anong klaseng bata ang nasa bahay niyo, hindi mo alam kung maayos o matino ang pag iisip ng batang yan, hindi mo alam ugali niya. Kasi kung matino yang batang yan, siya mismo makakaramdam sa sarili niya na mali ang ginagawa nila ng Asawa mo bilang dalaga na siya. At kung matino yang asawa mo dapat alam niya limitasyon niya bilang tito ng pamangkin niya. Wag mong hintayin na may matuklasan kapang ibang klase na lambingan nila, bago ka umaksyon. Wag mo rin hintayin na ibang tao magka observe at sila ang magsabi sayo o sila ang mag reklamo na parang child abuse na ginagawa ng asawa mo kc hindi normal ginagawa nila. πŸ‘Ž

Magbasa pa

Awkward and inappropriate naman yung ganun... Dapat kinakausap mo ung asawa mo tungkol dyan... Dalaga na un 14 y/o dapat naka bukod rin yan ng higaan... Or atleast ikaw dapat nasa gitna ng bed hindi asawa mo--baka may gumagapang na kamay pag tulog ka na... Alam mo sa panahon ngayon mahilig ang mga lalake sa bata.. Baka may something na.. Just saying..

Magbasa pa

nakaka ilang nga yan, isa pa dalaga na si pamangkin nya kaya why naman nya ikikiss sa lips at may lambingan pa.. at bakit naman kailangan tatlo kayong magkakatabi dapat kahit papaano may privancy kayong dalawang mag asawa.. parang may something sila.. kung ako siguro yan hindi ako papayag na ganun ang set up..

Magbasa pa

Mas nag aalala po ako dun sa dalagita. Protektahan mo sya dahil responsibilidad mo na din sya dahil dyan sya nakatira sa inyo, kasi hindi naman normal ang ginagawa ng partner mo lalo pa, magkatabi pa sa pagtulog. Isipin mo na lang kung sariling anak mo yun, hindi mo nanaising mangyari ang ganyan sa kanya.

Magbasa pa

sis wierd.. hnd maganda, bk nga masabihan ng child abuse yan lip mo. kc hnd lahat ng tao nakakaintindi sa "lambingan" nila. sabi din ng asawa ko pinabasa ko post mo, wierd daw at baka may something kc dalagita na daw kc at hnd ba bata. mas maganda sabihan mo lip mo at bkt hnd na lng ikaw sa gitna matulog.

Magbasa pa
4y ago

Yan din naisip ko nung nabasa ko to. Parang may something kasi dalaga na at di na yan basta basta magpapakiss sa lips. Bawal lang nega at baka sabihin ng iba napakanega ko.

Parang qng aq po nasa sitwasyon po hndi magnda for me dapat nga di nyo na katbi.. Ung 6years old q nga na pamangkin cnasbhan q na wag na hahalik sa lips ng partner q nung mga 4 palang kc xa sobrang close nila baby baby nya ung pamangkin q yan pa po kayang 14 naπŸ˜… dapt sabhan mo na po claπŸ˜ŠπŸ˜…

Sis, dalaga na yan. Di na dapat kinikiss pa ng LIP mo since pamangkin lang nya kahit sabihin pa super close nila. tsaka dapat ikaw ang nasa gitna, bakit yung LIP mo. Hindi naman sa nega ka pero normal na reaction yan. Kausapin mo sya na di ka kumportable ng ganyang set up nyo

Parang May Something na yun momshie try mo po kausapin yun partner mo para kasing ang sagwa na kung titingnan. Kanina lang may nabasa din ako dto sa group na to na about sa hubby at pamangkin din nun babae yun pala may ginagawa ng kababalaghan. πŸ˜…

AWKWARD AT INAPROPRIATE po masyado naman atang close to the point na sa lips niya kini kiss ang pamangkin. at si pamangkin di ba nakakaramdam pagkailang? dalagita na siya hindi angkop sa ganong set up. pangit po tingnan tLaga.

Sobrang sweet din sakin ng mga tito till now pero never naman nila akong kiniss sa lips. Hugs and kiss sa noo at cheeks lang po. Pati kaming mag pipinsan ganyan din sobrang sweet pero never kiss sa lips po.