I need your advice.

Bumalik kami kahapon dito sa metro manila ng lip ko kasi may pasok na nga kami ngayon at kasama namin ang pamangkin nyang babae na nasa edad na 14 years old. Sobrang malapit siya dito. Okay naman saken na dito siya tumira muna sa apartment na tinutuluyan namin dahil nga tumigil na siya sa pag-aaral dahil sa napabarkada. And then kagabi, magkakatabi kaming tatlo sa kama. Yung lip ko yung nasa gitna. Sa sobrang sweet nya sa pamangkin nya, lagi niyang kinikiss sa lips yung dalagita(ginagawa nya rin naman nya yun sa mga iba nyang pamangkin at sa nanay nya). Hindi ko lang siguro nakasanayan yung ganyang ka-sweet na trato sa pamilya kasi lumaki naman ako sa broken family kaya sa part ko siguro nalalaswaan ako. Kagabi, lalambingin n'ya yung pamangkin nya tapos ako na sunod nyang lalambingin. Sobrang naiilang ako. Dalaga na kasi siya eh. ? Wala namang problema kung dito muna siya samen, yung set up lang talaga nang pagtulog namin sa gabi ako sobrang naiilang. ? Sobrang sama ko bang tao dahil sa pag-iisip na ganito?

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dapat mag open ka rin sa lip mo na di mo gusto ang ganun set up. Tska 14 years old kinikiss nya pa sa lips parang ang sagwa nga naman tingnan nun kahit sino naman siguro hindi un magugustuhan.

Momshies pamangkin nya yun at 14yrs old lang. Wala naman siguro masama kong maglalambingan sila. Tska baka bago kaa pumasok sa buhay nya baka ganun na sya sa mga pamangkin nya. Wag paranoid po ?

4y ago

Binasa mo ba ng maayos at inintindi? Bobo mo.

Pagsabihan mo yung ka lip mo, sis. Nakakadiri yan, for me ha. Hindi siya appropriate lalo na dalaga na yan. Dapat alam niya boundary niya at respeto rin saiyo utang na loob

Ang awkward naman non sis. Ok lang sana kung bata pa talaga kaso 14 na yung pamangkin nya baka nga may regla na yan. Stop na sana sa ganon kaloka naman si hubby mo ?

Pag may nakakita pa iba. Baka mareklamo mister mo child abuse. Pagsabihan mo mister mo na hindi maganda tignan at naiilang ka

Baka naman po sis may pag nanasa yung mister mo sa bata kaya ganun siya bat kelangan ikiz sa lips?

VIP Member

Ndi momsh .. Tngin ko dn d mganda kc nga dalaga na un ska dpt my privacy kayo mag asawa

to be perfectly honest kaloka un set up nyu ?

May mali na dun.

Disturbing