Gender ni Baby

Just done with my CAS ultrasound and nalaman na Namin Yung Gender ni Baby. Currently 26 weeks pregnant na po ako. Nakakalungkot lang na Makita reaction nang hubby ko na parang disappointed sya na malaman na Baby Girl si Baby Namin. Dati pa Kasi prefer nya talaga Lalake. Ako nman sabi ko kahit ano. Girl or Boy man doesn't matter as long as Healthy si Baby. Kapapanganak lang din Nung Asawa nang kapatid nya and it's a baby Boy. Nakikita ko na sobrang gustong gusto nya Yung pamangkin nya and sobrang proud sya dahil sobrang cute nito. Normal bang makaramdam nang selos sa tuwing nakikita ko na parang mas proud at gusto nya dun sa pamangkin Namin kesa sa Baby namin kahit di pa to lumalabas? Ako Yung nagseselos para sa Baby Namin sa pinapakita nyang affection sa pamangkin nya.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Share ko lang din yung experience ko, pang 3rd baby na nmin and baby girl pa din and nakita ko sa mukha ni hubby na dissapointed siya .. pero aminin ko kahit ako ganun din, asking god kung bakit baby girl pa rin .. pero naging positive thinker ako, kinompronta ko si hubby at inamin ko din sa kanya yung nararamdaman ko. at the end oo nadissapoint siya pero hindi daw ibig sabhin nun na ayaw nya .. and ako bumalik energy ko dahil nkapag usap kame about dun, we're bless kase we are having tres marias 😇 my point is just talked to your hubby .. para maging comportable ka miii. Godbless.

Magbasa pa

Same mommy baby girl naman ang gusto ni hubby kasi nakikita niya sa iba na daddy's girl ang mga anak. Nung nalaman namin na baby boy pakiramdam ko hindi siya masaya. Ngayon pa nga lang ako lang nabili ng gamit ni baby. Kapag nakakita siya ng baby girl sinasabi niya kailan daw siya magkakaron ng ganoon sinasagot ko na lang after 5yrs. susundan natin. Pero naasa ako mommy na paglabas ni baby sa tummy ko na magiging masaya pa din si hubby kahit pa hindi baby girl. Pero kung sakali man na hindi ako na lang magbibigay ng pagmamahal kay baby.

Magbasa pa
2y ago

Kinausap ko nga sya, Tinanong ko kung disappointed ka ba Kasi Girl si Baby natin. Kahit na sinabi nya na Hindi, pero Yung facial expressions nya nag papahiwatig na Sad sya. Sabi ko nalang, Yaan mo sa susunod baka ibigay na ni Lord kung ano Yung gender nang Baby na gusto mo. Maging Masaya nalang Tayo Kasi Healthy Ang baby natin at pag pray pa natin na mas maging okay Ang lahat pag nakapanganak nako.

Same mommy. Nakikita ko din sa husband ko yung love niya sa mga pamangkin niya na hindi ko din mashado maramdaman sa pinagbubuntis ko. Pero iniisip ko na lang, siguro visual lang talaga ang mga lalaki. Since hindi nila nakikita pa, hindi pa nila mashado mabigyan ng pagmamahal. Let’s pray lang na sana paglabas ay mas higitan pa ng mga asawa natin yung pagmamahal nila sa mismong anak nila. 🙏🏻

Magbasa pa

Hello mi, Baka naman namimisinterpret po natin si hubby? Minsan kasi mga lalaki ganyan talaga , insensitive sa mga reaction nila. Ung bf ko nga parang malungkot na 2 lines ung pt ko pero in fact hindi lang sya makapaniwala talaga. Give him a chance, talk to him mi. Im sure masaya po sya kahit anong gender ni baby and lalo na kapag lumabas si baby hindi na magiging importante kung ano gender nya.

Magbasa pa

same sis, gusto naman ng mister ko is girl pero diko pa alam gender ng baby ko sa tuwing snasabi ko na feeling ko boy to lagi syang nag dadabog at sbasabi skin na hindi yan lalake.. babae yan.. masakit din sa pakiramdam ksi paano kung boy pala to feeling kodin hndi nya matanggap 🥺

What you feel is valid, what your husband feel is so invalid. Basta healthy si baby dapat happy lang whatever gender it is, pero malay mo mommy pag lumabas na si baby daddy's girl pa. 🤍

buti nalang sa akin noong hindi pa namin alam ang gender ng baby namin sabi ng asawako kahit anu basta maging okay kayong magina ko masaya na sya . Ang bait ng asawako

boy o girl mahalaga healthy ang baby. Blessing yan mamsh! congrats 🎉 Same tayo my second is Bb Girl.

talk to him, every child is a gift from Above.

hm po nagastos nyo?

2y ago

2,350 po Dito sa San Fernando Pampanga.