5736 responses
Both are mahirap at di dapat maexperience ng mga anak. Pero to answer the question, mas madali siguro ihandle ang bully na anak because alam ng mommy kung paano ihandle ang anak, and walang magulang na gustong maging sakit sa ulo ang anak nya kaya nga meron tayong tinatawag na "discipline inside the house". Mas madali naten malalaman kung ano ang source kung bakit sya nambubully. Di tulad ng binu-bully, may tanong ang mga nanay na 'bakit yung anak ko? Anong ginawa ng anak ko sa inyo?" And minsan mahirap sagutin kase nasa ibang tao ang kasagutan. And ang pinaka mahirap na part is makitang broken ang anak.
Magbasa paParehas mahirap harapin,, pero mas mahirap na yung anak mo ay nabubully ng ibang tao, minsan di pa magsasabi sa magulang kung ano ang tunay na nangyari,, malalaman mo na lang na pag uwi sa school ay matamlay sya.. Kung nambubully naman ang anak KO, malalaman KO kung may attitude sya sa bahay, o kaya pag nakasama sa school,, pagsasabigan KO ang anak KO ng matino, at didisiplinahin.. Kaya mas better, para iwas sa bully at pagbubully,, laging kakausapin ang anak before and after school,, maaga palang ay maturuan na ng good manners ang anak
Magbasa paBoth na hindi maganda anak ko kase soft hearted xa,hindi xa nag sasabi pag inaaway na xa ng ibang bata may nag susumbong nalang sa akin pinag sasabihan nmin mag asawa na kung hindi ka lalaban walang mag tatanggol sayo,kaya ipag tanggol mo sarili mo kung ayaw mong ulit ulitin nila yung ginagawa nila sayo di baling masaktan ka nasubukan mo nabang lumaban.kase kung bully ang anak ko maqu questions kung paanong pag papalaki at anong klaseng pamily background ang parents.hindi nman kase magiging bully ang bata ng walang dahilan
Magbasa pasa tingin ko anak na bully kasi sa tingin ko may dahilan kung bakit sya nambubully ng iba at baka saming magulang o sa loob ng pamilya ang rason bakit sya ganun. kailangan bilang magulang, malaman namin ang pinakadahilan at kami mismo ang gagawa ng paraan para mabago un. mahirap pag anak mo ang binubully kasi hindi mo kontrolado yung mga bully na nasa paligid nya kaya pag ganun kailangan turuan din ung anak na binubully kung panu ang dapat gawin or iiwas nalang, ilipat sa ibang lugar/barkada/school kung maaari
Magbasa paMas madali harapin para sakin ang anak na bully. Dahil pwede ko po sya pangaralan na mali ito at pwede kopa maituwid ang ugali nya. Mahirap sakin ang binu bully na anak. Dahil bilang Ausome Mommy sa anak ko. Anjan yung takot na baka maranasanan ito ng anak ko. Hindi pa man sya nakaka pag aral. Pero sabi nga nila mga ausome moms na tulad ko. Yung pagiging ina namin mas masusubukan kapag andun na sa journey na nag aaral na yun anak namin. Pero sana hindi maranasanan ng anak ko..
Magbasa paanak na bully kasi it's your own child you can definitely teach them, pero kung sya binubully its more difficult, paano mo papangaralan ang anak ng iba? how will they take it? either ways, children shouldn't be a bullied and shouldn't bully anyone. Ang pagiging bully ng isang tao ay reflection kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang, kadalasan kaya sila bully ay kulang sila sa atensyon at pagmamahal.
Magbasa paBinubully ang anak. Anak na bully is just how you raise him/her. Mapapangaralan mo pa sya at bilang bata mababago mo pa at mahuhulma. Pero kung siya ang binubully, pwede sya maglaron ng emotional trauma, takot humarap sa iba. At syempre bilang magulang, masakit satin na makita na mabully ang anak natin.
Magbasa paParehong mahirap pero mas mahirap yung anak na bully kasi ibig sabihin may pagkukulang sa pangaral ng magulang o bully din ang mga magulang. Sila yung mga batang may low emotional intelligence. Ang mga anak na nabubully pwede mong turuan to stand up against bullies pero dapat aware ka na nabubully ang anak mo.
Magbasa pawala. binibully or nambubully man yan, it will be a huge problem. Low Self esteem, problem in communication skill, etc. mga bagay na pwedeng dahilan kung bat ganon yung bata and for me, masakit para sa isang parent na magform ang isang anak into someone na kayang manakit or sya ang sinasaktan ng iba.
Magbasa paFor me, I think mas madaling harapin ung anak ko ang nabubully, kasi ibig sabihin ung nambubully ang may problema, mas madali ko maguide ang anak ko on how to handle bullies kesa magdisiplina ng bully which hindi naman siguro mangyayari kung sa bahay pa lang nadidisiplina na siya.