First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gumising ka sa katotohanan momsh,. Mas malaki pa at mas malakas yang byenan mong lalaki kesa sayo na buntis ka,hindi mo obligasyon ang ipaglaba sya, ano sya? Hari? Sinabugan yata ng katamaran yang asawa ng byenan mong babae..

6y ago

Hindi lang katamaran, saksakan pa ng yabang. Pero kahit ganun nirerespeto ko nalang kahit pa pikon na pikon na ako. Umaabot pa sa punto na umiiyak nalang ako sa gabi pag hindi ako nakakapagtimpi sa ugali nila