First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakastress pa dahil pag nag-aaway yung byenan ko at yung kinakasama nya lagi nalang akong nadadamay, nananahimik nalang ako bilang pagrespeto sa magulang ng asawa ko. Pero hindi ko matanggap yung sabihin na "hindi ko daw mapagsilbihan ang sarili ko, magsilbi pa kaya sa iba". Gustong-gusto ko na isagot na hindi naman nila ako katulong para pagsilbihan sila eh, at hindi pa ba pagsisilbi yung ipaglaba ko ng damit yung asawa ko tapos pag-umuuwi sya kakain nalang ang gagawin nya. Nanahimik nalang ako para walang gulo eh, pero oras na makalipat kami ng bahay wag na wag nila akong lalapitan pag may kailangan sila. Ampaplastik pa eh, mabait lang pag may kailangan

Magbasa pa