Masama bang maging in a relationship sa isang may anak na?

They broke up, not married but they have a four year old kid. I did a double check at nalaman kong mahigit isang taon na silang hiwalay. Nasa abroad ang ex niya at nasa pangangalaga ng bf ko ang anak nila. They are not in good terms pero hindi naman one sided ang separation nila. We started talking, a year after nung break up nila, unexpectedly nag uusap kami he fell for me and I fell for him. Hindi nman issue sa akin kung may anak siya as long as hindi siya kasal, wala akong pamilya na nasisira at kahit mga parents niya maganda ang pakikitungo saa kin. Ngayon nalaman ata ng ex niya na may gf na siya (si girl unang nagloko sa kanila) ako ang hinaharass niya. Sa profession ko daw dapat hindi ako pumapatol sa may anak. She sounds bitter, kahit gaano kasakit ang words na binabato niya. Wala daw syang pakialam sa ex niya pero ang anak niya daw wag na wag kong lalapitan. Hindi ako nag attempt maging bagong nanay ng bata, LDR kami but the kid took a liking sa kin at in return bilang, tita niya I ate ice cream with him, spend some time and became his friend. Isang beses lang yun at lumayo na ako kasi nagalit ang ex niya. May respeto ako sa nanay ng bata pero inaaway niya ako at ginagamit ang bata as reason na ipahiya daw ako. I am a teacher, first relationship ko ito. Pwedeng pwede akong maghanap ng single din daw na walang responsibilidad pero bat sa ama pa daw ng anak niya. I love him dearly. He is a good father kaya mas nahulog loob ko and he gave me an assurance na hindi na sila magkakabalikan dahil sa toxic na relationship nila before. Pinakilala niya ako sa parents niya and they told me the story tungkol sa ex ng bf ko at tanggap ko silang dalawa, handa akong maging formal kahit ang bastos ng mga messages ng ex niya. Many times na niyang nahuli nagpapakasingle ex niya dati pero never pinublic ng bf ko kasi kahit papano, ina daw yun ng anak niya at di bale na binaliktad ng babae ang mga pangyayari basta masaya na siya sa anak niya, at mas naging masaya daw siya dahil may babae pa palang kaya siyang mahalin. Di nakipagcommunicate ex niya half a year o nagpadala para sa anak nila, at ngayon kahit acknowledged ni ex na matagal na silang wala, patuloy siya sa pagiging victim kahit sya unang nagloko at pumasok ako sa relationship na to na hiwalay na sila, walang communication pati sa anak nila ang she's making it sound na homewrecker ako. Am I a homewrecker? 🄺

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Meron din nanligaw sakin last year lang,single dad din. Oks din sila ng ex niya,mabait at responsible dad din sya sa anak niya. Pero I turned him down,personally ayoko din tlga ng may sabit mahirap kase pumagitna tlga. This is me lang nman sis,POV ko lang. Ayoko kase ng may issue,selosa ako. Ayoko na may namamagitan pa sa kanila ng ex niya kase kahit sabihin ko na wala na sila eh anak sila. Di padin maiiwasan na magkaroon sila ng communication. Higit sa lahat maawain din ako,naawa ako nun sa anak niya kase nung nagtabi2x kami ramdam ko yung awkwardness samin nung bata. Parang nakonsensya ako kaya in the end sinabi ko dun sa nanliligaw sakin,di tayo pwede. I turned him down.

Magbasa pa