My boyfriend's ex is being very mean dahil may nakita siyang photo namin ng anak nila.

He is a single dad, hindi sila kasal at napamahal na din ako sa bata. He is my first ever boyfriend and we're both 28. They broke up kasi many times na niyang nahuli na may mga ka'chat na iba ex gf niya. He did everything para manatiling buo sila but they finally had their closure nung nag abroad si girl at iniwan mag ama niya with the promise na magpapadala siya ng pera from time to time (for their kid). Umabot sa point na magulo na dahil sa finances, walang time si girl kahit miss sila ng anak nila until nagbreak na sila for good at di na rin siya nagpapadala or nangungumusta sa anak niya for half a year. Itinaguyod niya anak nila, working while studying sa dayoffs niya. I met him when we are both at our lowest, everything was so fast we decided to chat each other, meet and at first since first relationship ko, ang hirap magselos haha lalo na nung nalaman kong may anak sila ng ex niya. Low-key lang kami, kasi ayaw namin ng way too much drama. Hindi Pala talaga mabigat iembrace kapag genuinely, mahal mo Kasi when I saw his son during one of our vc, narealize ko na kahit ganun I can accept everything about him. May respeto ako sa mama nung bata so the kid calls me tita. I met his parents, si baby (4 y/o) this month and I was soooo happy. Ang saya namin. My bf treats me right, at times apologetic siya parang sayang daw ako sa kanya pero I love him and his son and I mean it wholeheartedly. Nag usap kami na willing ako mag co-parenting, na kahit anong mangyari walang maririnig si baby na negative comment namin about sa mama niya. We have plans for our future, handa akong suportahan sila at he cares for me, and shows me his sincerity everyday. Hindi naman ako delusional itake yung role niya as mama but I love kid like he's my own and in ways that I can.Ngayon, big lang nagchat ang ex niya sa kin na parang ang sama2 ko, gusto niyang layuan ko ang anak nila dahil siya daw ang "ina" at guguluhin niya ang buhay ko kapag hindi ako nakinig. LDR kami so kapag nagkikita kami sinasama talaga namin si baby kasi din namin sya pwede maiwan nalang. Tapos ngayon his ex is using the 'mom' card. I respect her, I plan to listen to her kahit masakit sa dibdib. She called me a flirt dahil pumatol ako sa may anak. She said she doesn't care about us, yung anak niya lang concern niya. I feel so horrible, anytime pwede nman niya I reach out anak niya pero di niya ginawa and she's harassing me. Si bf naman, galit na galit na at naiyak kasi akala niya iiwan ko na sila. Pinigilan ko lang na iconfront niya. I love them, should I keep my distance? He is part of the family na we're planning to build...masama ba ang iintroduce ako sa anak nila?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang magiging VICTIM sa mga nangyayare sa magulong situation neo ay yung bata. Sa tingin ko kelangan mo iconsider ang maraming factors jan. Ask mo ung ex kung mahal pa nya si bf mo at kung may plan sya na balikan sya, kasi kung wla ay dapat hnd na sya nanggugulo. Kung mahal pa nya at gusto nya balikan ibig sabihin kelangan mo na dumistansya kht na masakit kasi ang labas nyan ay naninira ka ng pamilya or ginagawa mong broken fam ang pamilya ng bata. Tandaan mo na yang bata maghahangad yan ng kumpletong pamilya kasama ang totoong ama at ina nya. Kung hnd na mahal ni ex si bf mo ipaglaban neo pgmamahalan neo. Kelangan mo din ng fact check kung totoo ung sinabi ni bf mo na kasalanan ni ex kaya sila nghiwalay kasi hnd na ngparamdam si ex nung nasa abroad. Bka may valid reason din naman kasi si ex kaya hnd sya nkapagparamdam nun. Tandaan mo din na ang mga lalake magaling magsinungaling yan para lng mkapambabae, lalo na at nsa abroad ung babae. At ngayun na nainlove kayo sa isat isa ay very complicated na kasi may sabit si bf mo. Sorry sa advise pero naaawa ako sa mga bata na broken family.

Magbasa pa