Motherhood
It's been 5 months mula nag resign ako para alagaan ang 3 y.o kong anak. 1.5 y.o sya nung nag start ako mag work.. pero bakit ganon? Parang mas gusto kong bumalik na lang sa pag ttrabaho.. mas ok sakin at sa mental and emotional health ko yung mag work kesa mag stay sa bahay at mag alaga ng anak. 🥺😭 Pinipilit ko naman i-enjoy ang motherhood pero may times talaga na parang nilalamon ako ng utak ko.. pano ba to ma overcome mommies? Napag bubuntunan ko na ang anak ko ng galit nasasabihan ko sya na stress nako sa knya kasi nga pag nag activity kami ang hirap nya pasunurin kaya ginagawa ko ngayon hinayaan ko na lang sya mag tablet all day para sa sanity ko kaso di naman pwedeng laging ganon.. lagi ko iniisip na buti pa sa work kahit stress may sahod ako pero sa pagiging Nanay wala nang sahod, sandamakmak na stress at pagod pa. 😭 D ko alam bat yan ang pumapasok sa isip ko lagi.. gusto ko na lang mag work pero wala akong makuhang maayos na yaya.. haaaay ano po mga strategy nyo Mommy pano nyo po hinahabaan ang pasensya nyo lalo na sa mga toddler? Ano pp ba techniques para mapa sunod sila na gawin ung isang activity. 🥺