Suicidal thoughts
Naranasan nyo na bang sumagi sa isip nyo na sana mawala na lang kayo or yung anak niyo? Ako pang 2x na to 1st is Dec 2020 pero naging ok uli ang mental health ko nung bumalik ako sa work ng feb 2021 but this year kinailangan kong mag resign dahil wala akong makuhang mag aalaga ng maayos sa anak ko at d ko kaya magpa sahod ng mataas pa sa 5k dahil halos minimum lang ang sahod ko max ko lang is 5k talaga. 3 y.o na anak ko and nag ttrigger ung suicidal thoughts ko kapag nag tatantrums sya.. diagnosed din sya with global developmental delay ung milestones nya is pang 2 years old lang.. wala kong me time kahiy kumain naka buntot anak ko, pag naliligo ako kumakatok sya, ung tulog ko laging putol putol dahil dede all he want sya. Hindi ko na po alam gagawin ko.. ito ung mga reason na nag ttrigger sakin ung pagiging stay at home mom.. feeling ko anytime gusto kong tapusin na lang buhay ko or ipa ampon na lang anak ko.. gusto ko bumalik sa trabaho for my mental health kaso pano .. hndi ko alam dahil kailangan tutukan sa therapy anak ko 🥺 ano po ba ginagawa nyo para ayusin ang ganitong pag iisip.. 🥺🥺 Siguro maliit na bagay lang sa iba compared sa pinag dadaanan ng iba. Pero d ko nga din alam kung paano at bakit ganito lang pinang hihinaan na ko. 😭 Share nyo naman po mga bagay na ginagawa nyo kapag nasa ganitong punto na kayo ng buhay nyo. 🥺 Gusto ko pa maayos ung buhay ko pero tuwing nakakaramdam ako ng mental breakdown para akong lalamunin..