24 Replies
Ganyan din si baby namin hahaha. FTM ako and i think ganun talaga since mga master na yang mga lola and lolo sa pag aalaga at pagbubuhat ng baby hahaha. Tayo nagsisimula palang and still nasa process ng learning. Tsaka minsan, nangingilala din mga babies pag iba yung may hawak sa kanila kaya tumatahimik sila. Nakikiramdam kumbaga π Satin kasi komportable na sila and alam nila na tayo yung makakapag provide ng needs nila so sa atin sila umiiyak βΊοΈ
Mommy ganyan ang mga babies hindi porke sa iba e natahan sila agad sa pag iyak e mas gusto na nila doonπ actually kampante kasi sila sa atin.. Alam nila na pag nag iiiiyak sila lalo natin sila bubuhatin padededein kakantahan ganern.. Love kasi nila tayo alam nila na kahit ano ugali nila kahit mag iiiyak e di natin sila matitiis.. Pag binuhat sila ng iba naninibago at nahihiya sila kaya natigil sa pag iyakπ Kaya wag ka ganyan mag isip.. Mahal na mahal ka ni baby moβ€οΈ love tayo ng mga anak natin
Ganyan din po baby ko pag sa daddy nya pag pinakakarga ko sa kanya panay sila iyakan pero pag sa akin na tumatahimik na sya. Napansin ko lang kasi yung daddy nya di nya makuha yung gusto nyang pwesto ng pagkarga, iba iba kasi ata mga baby ng gustong way ng pagkarga. Then sa scent po, yung daddy nya masyado matapang magpabango and sa calmness din po, yung mister ko kasi malaki boses tas natataranta sya pag karga nya baby namin kaya feeling ko yan yung mga factors kya ayaw sa kanya ng baby namin magpakarga
Ako mi napansin ko din yan pag nasa mga byenan ko ang baby ko (3weeks old), tahimik at nakakasleep agad. Hindi ko inisip na ayaw nya sakin, nagobserve ako between me and my biyenan. Then I figured out na hinehele kasi sya with kanta kanta which is di ko ginagawa dahil ayaw kong masanay sya sa hele at karga. Kaya pag ako ang may buhat sakanya kahit antok na antok na sya minsan, ilang saglit lang dilat na dilat na naman at iiyak na naman.
Ganyan din Baby ko. Pag ako nag hehele, nag wawala sya. Hinahanap nya Dodo ko pero pag Binigay ko sya sa Mommy ko para i-Hele, Titigil sya. Parang Feeling ko, na a-Amoy nya ko kaya pag ako nag hehele sa Kanya, nag Wawala sya, Hinahanap nya Dodo ko. Pero Minsan pag na kay Mommy na sya, nag Wawala pa din sya pag gustong Gusto nya talaga ng Dodo. Mag 3 Months na Baby ko sa 20π
no mommy. wag mo isipin yun. π. si lola ilang taon na ba ang experience sa pagaalaga ng baby? minsan po ganun talaga. ung pamangkin ko ganyan din noon. umiiyak sya kay mama nya. pabebe sya pagdating kay mama nya. pero pag sa min mga tita, okay sya. love po kayo ni baby. 9 months syang nasa tyan nyo, iba ung bond na yun. walang makakapantay.
Same mie nung 1-2 months ang baby ko . As in naiyak ako kase ganyan sakin ang baby ko pag sa iba natahan pag sakin hindi . π Pero magbabago naman yan . Nung nag 3months si baby . Sakin nalang sya nagpapabuhat . π ganyan din sa baby mo magbabago din yan . Wag lang mastress o kaya magalit/mairita kase mararamdaman ng baby mo yan kaya mas lalong aayaw sya sayo .
Naku ganyan din baby ko mga ilang months pa lang sa Lola tahimik at madaling makatulog kaya Minsan nagseselos na ako pero ngayon tuwing nakikita ako gusto magpakarga lagi tumatahan n sia pag karga ko wait ka ilang months ikaw ang hanap hanapin ni baby di na sia iyakin kung karga mo at magkasama kayoπ
Di ako naniniwala dyan, mommy. May nabasa ako na kaya daw si baby mas iyakin pag si mommy ang kasama compared pag sa iba dahil tayo yung SAFE HAVEN nila. Kaya lahat ng nararamdaman nilang hindi maganda, mas komportable silang ilabas pag tayong mommies ang kasama. π
may gnyan po, panganay ko gnyan dko mapatahan tapos pg lola na may buhat stop agad sya. naisip ko din ayaw yta sakin ng anak ko, kasi lola nya unang nagbuhat sa knya. π pero syempre hindi totoo yun momsh, baka makalola lang agad hehe ksi panganay ko hanggang ngayon makalola. π