No to bash please!

No to bash please. Yung LIP ko kasi, sa lahat ng conversation namin, laging may dirty talk (babanat abt private parts ko or abt sex) na sabi nia normal na daw yun kasi magiging mag asawa na kami (may 1 baby kami), pero i felt uncomfortable palagi. Nag away na kami dati kasi sabi ko nababastusan ako na gusto nia lagi un ang pag usapan.na feeling ko di nia ako nirerespeto abt sa part na ayaw ko pag usapan ang mga ganung bagay. Ngaun paulit ulit nia pa ding ginagawa, iniiba ko ang topic. (Thru chat lang kami, nasa abroad sya ngaun) My question is normal pa ba un? Payuhan nio naman po ako.

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

For me, depende siguro sa tao na nagsasabi. Like sa ex ko, hardcore sya sa sex. Kung ano napapanood nya sa porn gusto nya ganun din gawin namin kahit ayoko. Kaya kapag nagdidirty talk sya, hindi ako natutuwa. Naiinis ako. Nandidiri ako. At siguro kasi hindi na rin ako masaya sa sex life namin dahil kapag nagsesex kami sumasakit ang tagiliran ko. Ung parang pinepwersa nya ipasok lahat. Kaya naiinis ako kapag ganun sya. Sa partner ko naman ngayon, father of my baby, relax lang kami. Kung ano lang kaya namin gawin at malaki pa rin respeto nya sa akin. Kapag ayaw ko pagusapan, titigil sya. Pero kapag nagdirty talk naman sya, hindi ako naiinis, tatawa pa ako ng tatawa hanggang sa mamiss ko na rin at magkayayaan na. 🤣

Magbasa pa
VIP Member

Depende mommy sa upbringing nyong dalawa kung normal ba sya or hindi. kasi sa akin, may mga friends akong bastos din magsalita pero normal lang sakin.. pero kapag conservative ako, sympre nakakabastos sya. siguro mommy namimiss ka lang nya kasi LDR kayo tas yan ang way nya to show his affection. pwede mo siguro sabihin na.. naaprrciate mo yung pagiging "malambing" nya pero mas prefer mo ung sweet talk lang. kung sa chat, wag ganon.

Magbasa pa
VIP Member

salamat po sa mga payo nio. Actually tumigil na sya ng kakaganun. Sana mgtuloy tuloy na. Iba nga lang siguro talaga ako. Tumigil sya ng kakaganun nung sinasabi ko sa kanya kalagayan ng anak namin about sa health nia pero nagawa nia pa ding magdirty talk. dun kasi madalas mag init ang ulo ko. Di na naubra sa kanya ang maayos na usapan kaya inaway ko na ulit..buti di na naulit pa siguro mga dalawang linggo na

Magbasa pa

Aiguro okay lang iyan pero wag naman all the time. May ibang topics naman na pwede pag usapan. Ikaw rin hehe subukan mong pag aralan na sakyan siya. Masmaigi nasayo niya iexpress ang mga sexual desires niya lalo at malayo kayo sa isat isa. Pero huwag na huwag ka magsesend ng nude pics or what. Iyon ang delikado sa cyber world.

Magbasa pa

Momsh better keep your mind open sa mga ganyang bagay kasi ldr kayo so meaning no sex. The fact na sa'yo siya nakikipagdirty talk means na loyal siya d ba? Don't wait na makahanap ng haliparot yan. I'm not saying na magsalita ka ng perverse words, what I'm saying is entertain his needs and wag mo dapat masamain.

Magbasa pa
VIP Member

Normal lang yun sis kasi mag asawa na kayo... Gusto mo ba s aibang babae nya yun gawin? Ganyan din asawa ko saken... Lagi din nya sinasabe saken na isa yun sa benefits ng may mga asawa na... They can touch,hold and talk dirty sa asawa nila anytime...

Siguro po masyado na siyang komportable sayo kaya ganon na siya makipagusap. Baka mamaya sa kababawal mo sakanya ng ganon, sa iba niya gawin yun lalo ldr kayo. Hindi sa tinatakot po namin kayo, but pwede in that way niya naeexpress pagkamiss sayo.

VIP Member

Normal naman kasi malayo pala sya sayo. Malamang namimiss ka lang nya. Pero ang uncomftable nga naman kasi kung sa pag uusap nyo eh laging may ganun. Haha. Ingat nalang siguro momsh, kasi baka may makabasa ganern.

VIP Member

for me its normal hehe mag asawa naman na kayo atsaka sabayan mo lang mga convey nya mag sasawa din yan. mas mabuti nang sayo gumanyan yan kasi malayo sya kesa naman gawin nya sa iba yan mamsh.

Para po sakin hnd normal kung araw-araw gnun..dpt magkaroon dn po cia ng self control lalo malayo cia eh..kausapin mo nlang po ng maayos na you're not comfortable with that convos..☺️