6236 responses
6 pesos nun elem. Pamasahe ko noon 6 pesos din. 12 pesos balikan. Naglalakad nalan ako pauwe tutal naman pang hapon ako dina masyado mainit maglakad. Tubig lan tanging baon ko. Wola kaseng trabaho si papa. Tas si mama bagong panganak pa. Keya di ako mabigyan ng malaking baon. 25 pesos naman nun nag hs ako. 10pesos pamasahe sa bus. Malayo kase Yun school. Keya 20 pesos balikan. 5 pesos nalan tira saken. Samantalang 100 pesos yun baon ng iba kong classmates. Keya naisip ko ipunin yun 5 pesos for 6months. Tas nun naka ipon nako, nagtinda ko ng junk food sa school every break time. Patago lan kase nagagalit yun teacher ko. Di din alam nila mama. Ayun kumita naman keya nabibili kona din Yun mga gusto ko. πππ
Magbasa pa5.00 nung elem plus may baong kanin, kargador kc sa palengke ang tatay ko noon kaya d namin problema ng pagkain kaya lagi akong may baong kanin na may ibat ibang ulam, karne kc binabayad sa tatay ko noon sa pgkakargador kaya lagi kming may karne π tapos nung highschool naman 20.00 pero wala ng baon na kanin, kc ngsara na ang palengkeng pinapasukan ng tatay ko noon, tuwang tuwa nako pag inabot ng 50.00 ang baon ko noon kc makakabili ako ng softdrinks sa canteen π college naman, sariling diskarte na para mgkabaon kc ako na ngpaaral sa sarili ko noon, minsan tamang buraot nalang sa mga kaklase kc wala ng natitira sa sahod ko e ππ€£
Magbasa pa50. pero di na umaabot sa kinabukasan kasi pinambbili lagi ng food. kasi madalas d na kumakain dahil ayaw akong kasabay ng Father ko dati. Naalala ko pa na noon pag may napapanis na kanin, ipapaubos sa akin yun. Buti nalang hindi maarte sikmura ko. Pag may pasalubong sya sa kapatid ko lalo na pag chicken, sa akin yung tira. Swerte na pag may konting laman yung buto. so yun, swerte na kung may baon. π€¦πΌββοΈπ
Magbasa paelementary grade1-3, 5 pesos grade4-5, 10 grade6, 12 HS 1styear to 4th year -50 pesos minus pamasahe back and forth 30. bale 20 baon ko. College sa indang - 150 minus pamasahe dasma to paliparan 7, paliparan to sm dasma 13, sm dasma to indang 20, bali 40x2 kasi balikan. 80- 150= 70 na baon 7to7 na klase.
Magbasa paNong elementary biscuits at juice lang hindi ako pinagbabaon ng pera hanggang grade 4 lang naman yun tapos 5 to 6 may kasama ng 50 pesos. Nong hs naman 100 sa college iba iba pagkakasyahin ko yung sahod ko sa lahat ng gastusin kasama na yung sa schoolπ
Elem 2-3 Hs-40 pero sa fare alone 33 pesos na so pagkakasyahin ko na lang yung natitirang 7 pesos ko tapos may baon talaga akong lunch at tubig College- 60 pero nag increase dn yung pamasahe to 52 so ganun parin tiis tiis lang at tiwala kay God. π
Sa province nasa 10-20 lang plus lunch meal and snacks if walang lunch may additional 45 ata yun? Here sa Manila nagstart ako 40 tas naging 50 then college nasa 100-200 depende kung may budget o wala. π
20 pesos lang baon ko dati malapit lang kasi school namin sa bahay walking distance lang .. tsaka pamasahe noon 5 pesos lang at half day lang ang pasok kaya kumakain muna ako bago pumasok sa school.
2 pesos nung elementary mas madalas wala, nung HS naman ako dahil nasa puder na ako ng nanay ko 50 pesos plus may baong kanin pa ako,kaya nakakaipon ako nun para makabili ng gusto koπ
Nong college ako nasa mga 120,swerte pag umabot ng 200.. May fare pa kasi nun na 40 pesos back and forth,tas yong matitira pang-snacks at lunch,tas may mga bayarin pa na di inaasahanπ
Mum of Akisha & Thalia!!