Sang-ayon ka ba na hindi puwedeng makapag-enroll ang bata hanggat hindi kumpleto ang bakuna?
Sang-ayon ka ba na hindi puwedeng makapag-enroll ang bata hanggat hindi kumpleto ang bakuna?
Voice your Opinion
Oo, para hindi mabilis kumalat ang sakit sa school.
Hindi, choice ng magulang kung ayaw nilang pabakunahan ang anak nila.

9893 responses

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes lalo n sa panahon Ngayon n my climate change. mas tumatapang n mga sakit.. mas ok Kung mapipilitan mga magulang n pabakunahan mga anak Nila. libre lng naman lahat Ng essential n bakuna sa center. . kailngn mo lng Ng time dalin sila sa center. pero prior this gawin muna nilang Hi-Tech records ng mga bata. mas ok Kung computerized na lahat Hindi na hawak ng parents Ang record nka coordinate na Sana with local govt. and dep Ed. Kung private school admin mang hihingi ng record sa LGU

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ako sang-ayon dyan. Pati yung kapag nawala yung record ng vaccine tapos di na pwedeng mag-enrol? kalokohan yun. panu kung nasunugan at nasunog yung record na hawak mo at lahat ng documents mo kasama at pagdating sa ospital or center di mahagilap record mo dahil sa dami nga naman ng pasyente? panu? di na mag-aaral ang mga bata?

Magbasa pa

hindi lahat may access sa libreng bakuna, paano yung mga nag aaral na tumatawid pa ng bundok at ilog...kung ganun sitwasyon nila sa pag aaral edi mas lalo na sa mga health centers, tapos kung mahirap na buhay nila mas lalo pa maghihirap kasi di sila makakapag aral

No db parang discriminating ito, paano yung mga magulang na tight budget na gusto mapagaral ang mga anak? Pano mo explain sa anak mo, anak di ka muna magaaral kasi wala kang bakuna di naten afford. 😣 lahat tayo my rights to education.

for me, yes, lalo na't palaging causes ng pagkakasakit ng bata eh nahahawa sa school. Hindi naman talaga maeeliminate totally ang pagkahawa ng sakit pero mababawasan ang percentage ng nagkakasakit sa school kung kumpleto ang bakuna.

sagot ko hindi. pero hindi dahil sa ayaw kong pabakunahan ang anak ko halimbawa sa iba nangyare di sadya or basta if ever na hindi kompleto bakuna ng anak nila so walang karaatang mag aral? just sayin hehe

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-116004)

Hindi po..ako naman napabakunahan ko mga anak ko..pero syempre Kung Hindi makapag.aral yung bata dahil lang sa bakuna eh nasaan na Yung karapatan Ng mga bata Ng sapat na edukasyon..importante po SA kanila yun

hindi kase may mga ibang bakuna na may bayad hindi naman lahat ng magulang kayang bayadan yun. yung iba kapos din. kung require talaga ang kumpleto ang bakuna kawawa naman yun bata di pwedeng mag enroll.

Dipende lang din namn sa magulang kung papabakunahan nya kasi dipinde rin namn kung paano aalgaan ang baby, ang pagkakasakit namn nasa pag alaga. Pero mas ok din na may bakuna para mas safe