72 Replies

Nakakalungkot naman na ang daming sagot ay baka magka rashes. Parang basta lang sinusunod na bawal halikan pero hindi tayo well informed 😔 no mommies! Sana nga ganun kasimple. Hindi nakaka rashes ang kiss, pwera nalang kung may tumutubong bigote ang humalik or pinanggigilan sya. The reason bakit bawal halikan sa face at hands ang babies kasi baka mahawa sila ng mga sakit. Like kung may sipon yung humalik, possible mahawa si baby. And worse kung malala yung maipasang virus sakanya. Not as simple as "magkaka rashes"

1. Sensitive face ni baby. 2. Madaming diseases na pwede syang makuha via kissing. Hindi pa ganun ka well developed ang immune system ng mga baby kaya wala pa siyang kakayahan na labanan yung mga yun. Lalo na ngayon naglipana iba't ibang viruses. 3. It's against pedia's advice. Advice lagi ng pedia, new born to a few months, mas maigi na sa paa lang or kamay ikikiss ang baby, wag muna sa face. Aside sa viruses, pwede din maiiritate ang baby sa facial hair if meron ang father or what.

Kung ikaw lang din naman okay lang as long as wala kang sakit. Pero pag ibang tao wag na wag, hindi natin alam kung anong germs at bacteria ang pwede nila maipasa sa babies naten. mahina pa ang immune system nila kaya mahirap pag nagkasakit sila. Yung pamahiin ngang laway sa usog isa pa yun.

Wag nalang po muna halikan kahit saan mommy. Kasi po may mga simpleng sakit na kayang itolerate pag matanda pero pag baby po ang nagkaroon ng ganon sakit, na pupunta po sila sa danger. Read po kayo ng article na dahil sa kiss lang nagkasakit na kagad ang baby.

VIP Member

Bukod sa sensitive pa po ang skin ni baby, di po natin alam, may dala din po pala tayong virus, madaling mapasa kay baby lalo na mahina pa po resistensya nila.

Ikaw momsh pwede pero ang iba kahit si dady di pwede kasi may bigote at balbas sila. Dun nakukuha ang rashes. Sa iba naman iniiwasan makakuha ng sakit ang baby

Search mo sa google what can happen when you kiss a baby. Pag maliit pa talaga hindi pa pwede ikiss sa face pero sa head pwede naman pero hindi palagi-lagi.

VIP Member

May mga carrier ng infectious organism sa mouth na pag nalanghap ni baby pwede siya magkasakit like meningitis. Better safe than sorry.

Para di magkasakit agad or iwas virus.. Di pa malakas resistensya ni baby para labanan mga virus ng isang tao like ubo at sipon

VIP Member

Wag lang sa ibang tao. I used to kiss my baby a lot before di naman nagkarashes basta make sure na malinis ka bago ikiss

mi yung lola ko sinasihan ko lang na wag halikan yung baby ko sa pisngi kahit baga 8months pa lang yung baby ko pwede parin sya mahawaan ng kung ano ano lalot na nag wwork sya sa bayan nung sinabi ko wag nya halikan nagalet sya , wala naman masama dun sa ginawa ko

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles