Priority Lane
Bakit may mga taong tinititigan pa belly mo, when you're just exercising your privilege as a pregnant woman? Pano kung maliit siya mag buntis? Magtataas ka din ba ng kilay? ? Sino nakakaexperience nito aside from me? ? 10 weeks preggy here.

Once nasa Fastfood ako tapos un may Nagcomplain na matanda kasi ung mga nakapila raw nd naman dapat sa priority lane eh ako nasa unahan nya. Sabi ng crew buntis po sya sir tapos tinignan ko si tatang tapos tinignan nya tyan ko, buti na lang malaki ako magbuntis kaya kahit 14 weeks palang tyan ko nun nakakapila na ako sa priority lane. Sa mga pay cr ng mall nakakalibre ako. May times na pumila ako sa atm machine eh ang haba ng pila sabi ng mga kasama ko sa pila mauna ka na kasi buntis tapos si kuya Guard nangjoke time sabi penge proof daw hahaha tawanan mga tao dun kasi nga ang laki ng tyan ko pero joke lang un ni kua Guard, pero sa mga ganun chance lagi akong ready may picture ako ng ultrasounds ko sa cp ko. Pero minsan ako ung nahihiyang pumila sa mga priority lanes o mauna sa mga pila kasi parang ang sama ng loob ng iba kaya one time triny ko magtyaga sa pila sa may Terminal ng Mall as in halos 2 hrs kaming nakapila kasi nga rush hour although pwede naman ako talaga d na pumila kaso parang ang sama ng tingin ng mga tao sakin dun sa pilahan kaya i decided na pumila nlng talaga kahit mahaba ung pila kinagabihan ayun nagka legcramps ako 😢😢😢. May times pa na ung ibang lalaki di alam ang pagiging gentleman, nakapila ako sa cr ng isang fast food nun eh ung cr pang universal tapos ung nasa unahan ko lalaki pinakiusapan sya ng mother ko kung pwede mauna na ako kasi ihing ihi na rin ako kaso ayaw nung lalaki kaya ayun tiis tiis.
Magbasa pa