Priority Lane
Bakit may mga taong tinititigan pa belly mo, when you're just exercising your privilege as a pregnant woman? Pano kung maliit siya mag buntis? Magtataas ka din ba ng kilay? ? Sino nakakaexperience nito aside from me? ? 10 weeks preggy here.

ako recently lang, Sept this year. need ko ang physical appearance sa sss for my mat ben. pagkakuha ng guard ng id ko para ipila naghanap ako mauupuan kaso puno ang waiting area. medyo mainit pero minsan kukulimlim kaya sabi ko ok na kahit nakatayo. obvious na tyan ko that time pero di ako naginsist na makaupo ako and hoping na may magoffer ng upuan kaso wala. tumayo na lang ako sa harap ng mga nakaupo kasi doon lang may makakapitan na stand ng tent, just in case mahilo or maout of balance makakapit ako. after an hour ayun na nga, nagppalpitate na ko and medyo nagbblackout na paningin ko dahil siguro sa matagal na pagkakatayo. grabe din yung pawis ko tuloy tuloy and medyo hirap na ko huminga. lumuhod ako saglit para di matumba at tinanggal face mask saglit para maka hinga ng maayos then lumapit ako sa guard baka pwedeng makahingi ng upuan or makaupo na lang sa elevated part ng entrance. kaso bawal daw baka gayahin daw ako ng iba. sabi ko na buntis ako at di na ok pakiramdam ko. sabi nya lang "bawal po talaga". pumasok ako at nag ask sa lady guard baka meron namang priority lane sa buntis kahit waiting area lang. WALA DAW KASI PANDEMIC NGAYON. WALANG PRIORITY LANE. pagkasabi nya pa lang naiiyak na ko, nasabi ko na lang sana kayanin ko pa. lumayo ako sa waiting area and found a place na mahangin, nakarecover naman kahit pano. nagabang na ako ng tatayo sa upuan para makaupo. after an hour pa bago ako makaupo. worth it naman kasi naihabol ko pa ang mat ben ko as new voluntary member from employed status. last day na pala ng due date ko para magbayad ng contribution dahil di na ako employed at mag qualify for maternity benefit dahil 1st quarter of 2021 ang due date ko.
Magbasa pa